12/27/2009

Temptation: 22 LCD vs. 22 CRT

Why 22? Because it's better than a 21 inch.


So, which is better, an LCD or a CRT?

Let's check out the names first:
LCD stands for Liquid Crystal Display. (Sounds something like smooth, lucid, and cool).
CRT stands for Cathode Ray Tube. (Which sounds like an oldschool type of scientific gadget).

And it has been a common knowledge on how much power consumption these old, bad ass CRT monitors consume, as compared to an environment-friendly and sexy-looking LCD monitors.

Yes, I know, I live in the dark age and still owns a fugly CRT Monitor. But seriously, as the year 2009 is ending, one of my top New Year's Resolution is (ahem-ahem) : To replace CRT monitors in the house, with an LCD unit.

Sounds expensive? Maybe. But definitely worth it. And each time I pass by the appliance centres, and seeing and hearing LCD guys saying:"Come and get me you good boy", I still keep myself alert.
For in any temptation, I must make sure that I'll go and take the best temptation available.

Lesson: Study and prepare well for your temptation as I have prepared for my 22 LCD.

Read more...

12/25/2009

formspring.me to 2010

3 things you wanna achieve this coming 2010. Why?

why only 3?!hehe.

1.) start my own business.

>bec. there's no business like....my own.(duh?!)
and i wanna be filthy filthy rich.

2.) to travel abroad

>bec. the farthest place ive been to is just around Luzon. yes. insert word "Loser" and expression "haha" here.


3.) to learn a new language.

> to prevent my brain from rusting. maybe spanish/french/german.. or maybe the na'vi language. so i can go to pandora. now.

Ask me anything at your own risk.

Read more...

12/24/2009

thoughtpic: this Christmas, forget diet&exercise



Tulo Laway's "KapalMuks" (Crispy Pig Head): Heart WARMING.




Gerardo's: Crispy Tenga+Yummy Nachos with Spicy Cheese Dip+Buckets of cold beer=Heaven.



Food Galore @ 2 different Work Xmas Parties: Eat-all-you-can buffet @ K
amay Kainan and Potluck @ the USTH Ward. Yum!

ArmyNavy Burger+Freedom Fries+Onion Rings+Peanuts= Victory!




Pasko na SANTA ko
hanap-hanap kita
Bakit magtatampo
iniwan ako

Kung mawawala ka
sa piling ko SANTA
Paano ang Pasko,
walang regalo?

(feliz navidad sa lahat!)










Read more...

thoughtpic: my xmas date

"the gift that i received for christmas became my xmas date."

Read more...

12/21/2009

formspring.me

ilan na po ang inaanak ninyo?

sa totoo lang, di ko na alam kung sila ay 5 o 6. di ko rin maalala kung kelan ako proxy o ninong sa binyag.pero ang sure eh kapag salat na ang wallet ko sa pera, nagiging 0 sila at nagiging invisible man ako.hehe

Ask me anything at your own risk.

Read more...

12/20/2009

pasko c/o santa claus?

masaya ang pasko. lalo na kapag may 13th month pay. at may mga party at mga reunion kung saan saan. maraming simbolo at kahulugan ang pasko sa ating lahat.

pero ang isa sa pinaka-popular na kasagutan dyan ay ang pagbibigayan ng regalo. para naman sa mga bata, si santa claus din ay isa sa mga kilalang character ng pasko.


pasko na nga

netong mga huling araw ay di ko pa gaanong naramdaman ang diwa ng pasko. bukod sa mangilan-ngilang malalamig na ihip ng hangin, mga dekorasyon at mga ilaw sa gabi, ay di ko pa masyado ramdam noon.
pero noong sumikip na ang trapiko araw man o gabi, at tila naguusap-usap na ang mga tao sa handa sa pasko, kung ano ang isusuot sa ganitong party, kung ano ang ipapanregalo sa nabunot sa kris-kringle...ayun. pasko na nga.


divisoria no more

at syempre, bilang procrastinator ang lolo nyo, antagal ko bago nakapamili ng mga panregalo.
bukod sa nadelay ang 13th month namin, ay talagang hirap din ako magisip ng mga panregalo. lalo na sa mga pamangkin ko (12 lahat!). mahirap isipin kung ano ang gusto nilang matanggap. at anti-excitement naman kung tatanungin ko sila mismo kung ano ang trip nila.

kaya kanina lang, 5 days bago ang pasko, ay saka lang ako nagkaenerhiya para makapamili. dahil saktong day-off ko, maaga rin akong lumarga.

kung last year ay nakapag-divisoria pa ako, ngayon ay wala na yun sa plano ko. masyado nang masikip sa dami ng tao sa mga panahon na to. kaya wala nang ibang pupuntahan kundi ang mga mall.

ga-mall

medyo ok din naman sa mall mamili. kahit papano, may aircon. may security guard. di gaanong kasikip ang mga lakaran. (mapupulot mo pa yung piso pag nalaglag).

pagdating naman sa quality, syempre oks din.
eh sa presyo? oo kadalasan nga na mahal sa mall mamili.
meron iba na 500 sa mall, pero 50 lang sa divisoria.
kaya ang bibilhin ko eh yung wala sa divisoria, pero mura rin. para di naman masabihan yung naregaluhan ko na "Ay, andaming ganyan sa divisoria, 3 for 100!"


for kids only

eto na. nakipagsapalaran na sa tindahan ng mga laruan. masaya sana kung 1 lang ang bibilhan ko. pero sumakit ang ulo ko para mabudget ang 12 bata. buti at nagswak naman.
enjoy ako sa pamimili. kung naging bata ako, siguro manghoholdap ako ng toystore. hehe.

habang namimili, di mawawala ang mga eksena ng mga batang sumisigaw ng "YEHEEEY!"
at mga batang sumisigaw ng "MOMMY I WANT THAT TOOOOOY!!!!"
at mga batang umiiyak ng "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"
at mga nanay na sumisigaw ng "STOP IT! IIWAN KITA DITO!"

santa who?

naalala ko tuloy nung bata pa ako.
sabi ng nanay ko, gumawa ako ng christmas card at sumulat kay santa claus.
isulat ko daw ang lahat ng gusto ko, tapos ilalagay sa medyas na nakasabit sa pinto.

gumawa naman ako. kinulayan ko pa ang harap ng card para magmukhang maganda. at sinubukan ko magsulat sa english para maintindihan ni santa kasi taga-north pole siya.

humiling ako ng toy car, robot, comics, etc... basta marami rin yun. tapos nilagay ko na sa medyas. at lagi ako maaga matulog para "dumating na raw si santa pag good boy na".

at twing umaga, titignan ko ang medyas. madaling araw pa lang, excited na ako. kakapain ko ang medyas. titignan ko, wala na yung sulat. "Yes! nakuha na yung letter!" sabi ko. Pero di ko maisip kung paano siya nakapasok gayung nakalock ang pinto namin. Pero siguro may magic siya, naisip ko nun.

Sa mga sumunod na araw, gising ako ng maaga at kakapain ang medyas. May laman!!!
Ang saya saya! Iba-iba ang laman! Minsan laruan, minsan comics, minsan chocolate, minsan prutas?!
Basta kung anu magkasya sa medyas! Ang galing ni Santa!

The enemy vs. santa

Hanggang isang araw, nagkakwentuhan kami ng kaklase ko sa elementary na si paolo.

"Wala namang Santa Claus eh. Di totoo yun."

"Hoy, di kaya. Lagi ako nakakatanggap ng regalo dun eh." banat ko.

"Eh, wala kaya. Wala namang snow dito eh. Tsaka di lumilipad ang mga reindeer kaya."

"Oo nga, pero meron na kayang eroplano." paliwanag ko naman.

"Ah basta, di totoo yun." ang pagdidiin ni paolo.

"....."

(p.s. i hate you paolo. di tayo bati.)

Oo. Wala ngang Santa Claus. Naisip ko na rin na kuya ko pala yung nagreregalo sa akin.
Pero masaya ako, dahil naenjoy ko ang pasko nung bata ako.
Kaya twing naaalala ko yun, masaya ako.

Ay, mali pala. Mali pa rin si Paolo. (I hate you pa rin).
Ako na pala si Santa Claus. ^^



Maligayang Pasko mga Manik-uristas!
rakenrowl!








Read more...

12/17/2009

my formspring affair

Was there ever a time where you walk in a crowded area, then suddenly this annoying stranger stops you and would ask if they can interview you, then hands out a questionnaire and promised that it will only take a few minutes?

That sucks. Strangers asking you questions. But that's not as worse as the time they've wasted. Plus the stress of the idea of running away from them.

But there is a new and cooler way of asking (and answering questions).

Formspring.me is a cool way of interacting with people wherein we use the basic form of communication: by asking questions.

Whether it be for business, or personal, or just something for fun, it rocks.

You can get to know a person by asking them almost anything under the sun, and at the same time, you'll be put on the spot too by answering some shocking, unexpected questions! And the best part, is you can get to choose whether to answer them or not.

And you can integrate your interactions in various applications and social networks such as twitter, facebook, tumblr, blogger, etc. Plus, you can have an option to

I personally enjoy this feature, and having an account is abso-frickin-lutely free!

Here's some of the questions thrown at moi:

If you had to write a book about your life, what would be its title? by littlemiss

"Reigun doesn't wanna grow up."

=====

do i have a news to you or what?^^ answer in 3 complete sentences!^^

Did you know that the word NEWS was an acronym from North, East, West, and South? So a rough tagalog translation of your question was:"May balita ba ako sa iyo, o ano?" Therefore, i could not answer completely in 3 complete sentences.

=====

Do you miss yer dad? T_T by jhenho

yes. a lot. ive always thought how xmas would be today if he's still around. im sure he'll get a great gift from me.^^

=====

If you were given a chance to be with SOMEONE all day long, who would it be? and why? :)) by jhenho

i would be wishing for my dad.11 years old is too young to lose a father.we'd spend the day together playing games,watch a movie,drink beer,and just talk about anything.things we never did.

=====

anong ginagawa mo pag nabobored ka na kakasurf sa net?!

marami.pero di lahat pwede imention xD dvd's,soundtrip,play guitar,tv surfing,play with my pup, clown around with my nephews,bum around,hang out with people,roam the mall.etc^^ simpleng trip lang.

=====

may bayad ba ang formspring?! pano ka nagka formspring?

Definitely FREE! (kasi kung may bayad, wala ako neto. hoho) Una ko nadiscover to sa Tumblr friends. So since wala akong originality at nakikiuso ako, gumawa ako account, then *poof!*, people can now formspring me.

^^

=====

*followed* If you were to be an actor, what role would you want to have? by jhenho

ive always wanted to be an actor. (don't we all? ;p)
excluding bomba roles, i really like playing offbeat/eccentric roles. *insert johnny depp here* i also dream of playing the anti-hero. that would be awesome. xD

====

so there. you can try it, and let's interview one another!

wanna take a shot at me?
formspring me here: formspring.me/reigun

Read more...

12/15/2009

thoughtpic:darth vader


the semblance is there.
but my father ain't Darth Vader.


Read more...

The boxing experience (part 2)

Project BeatBOX.

Natapos ang nakaraang kwento dito sa sinabi ni Larry na:



At doon ko naisip na takte ang hirap pala talaga ng boxing. Pero sa ngalan ng kalusugan at ehersisyo, ay go pa rin ako. Maging Pacman man lang, maski minsan.

SKIP ROPES

Pagkatapos ng suntukan, at umaray na ang mga namamaga kong kamay, ay tinanggal ulit ni Larry ang glabs ko.

"Ser, magsubok ka muna neto."

Itinuro nya ang skip ropes na nakasabit sa gilid ng ring. Marami, ibat-ibang haba, kulay, at materyales.

"Sige."

Naalala ko tuloy ang huling subok ko ng skip ropes. Jumping ropes pa ang tawag namen nung elementary. (Pero di naman talaga tumatalon ang rope, soo elementary.) At twing naglalaro kami nun, eh madaya ako. Dahil imbes na sabay ang talon ng paa ko sa pagskip, eh paisa-isa. Kaya kaya namin umabot hanggang 100 ang bilang hanggang abutan na kami ng pagtapos ng recess.

Napaisip tuloy ako. Kala ko simpleng shit lang to. Pero after a split second, eto na naman ako.

Sinubukan ko.

Pero paputol-putol ang ritmo at pabagal-bagal ang bilis ng rope ko. Panay ang sabit sa paanan ko. Siguro dahil pagod na rin ang legs ko, na di ko lang napansin. At dahil mabigat na rin ang katawan ko sa halos 150 pounds. At dahil sadyang bano rin talaga ako sa "jumping ropes".

Habang ginagawa ko yun, ay nasa ibabaw ng ring si Larry. At tinetrain ang malaking mama na parang MMA naman ang ginagawa.

Ayoko galitin yung mamang yun. Parang babaliin nya leeg ko gamit ang isang kamay.

THE FCKIN SITUPS

Pagkatapos ng skip ropes, dinala na ako ni Larry sa weights area.

"Yes, cool down naman siguro at ako na lang ang magweweights" bulong ng utak ko.

Pero syempre, mali na naman ang akala ni Reigun.

Inclined ang bench. Halos 45 degrees nakataas ang bandang uluhan.

At imbes na nakasandal ako, eh dun pala isasampa ang paanan ko. Mas mababa ang uluhan ko, nakahiga akong flat, at nakataas ang legs ko, na para bang manganganak ako.

"Sitaps tayo ser." sabi ni Larry.

shit. shit ups. Di ko na maalala kung kelan ko pa huling ginawa yun ng matino. Nung nasa C.A.T. pa ata ako nung high school. At wala pa akong tyan nun sa 120 pounds kong katawan. yikes.

So ayos na sana ang sarili ko. Pero potek.
May kinuhang bola si Larry. Di ko alam tawag dun sa mabigat na rubber ball na yun. Di lang 10 pounds ang tantya ko dun. Baka 15, o baka 20 pa nga. di ko na alam.

Dahil pag bababa ko ang katawan ko, ihahagis nya ang bola sa akin hanggang bumababa ako, tapos pag-bangon ko eh ibabalik ko sa kanya.

Di niya sinabi kung ilang repetitions.

Pero malupit na 30 reps ang naganap. Mataetae na mapuputol na ang litid ko ata sa situps na yun.

Ang malupit pa dun, kahilera ko na naman yung malupit na babae, at EFFORTLESS na lang sa kanya yun!

Samantalang maririnig ako na nagtutunog ng "UGGGHHH..EEEEE...AAAARGH."

Para akong tanga. Kala ko tapos na ang 30 reps na diretsong situp.

"Ser ganito naman, patagilid ka, kaliwakanan."

Nyeta tong si Larry.

So binato niya ang bola sa kanan ko, at dapat kong saluhin yun. Pagangat ko, hinagis naman niya sa kaliwa ko agad, at abut naman ako. Umiiling na talaga ako at pigil na pigil sumigaw ng punyeta kaya pasalamat ako na 10 reps lang yun.

nyetang situps yan.
Pag ako di nagka JACOB BLACK abs tulad ng sa NEW MOON ay magwawala ako.

STREEEEEEEEEEEEEEEEEEEETCHINGS

May nilatag na foam mattress si Larry sa sahig.

"Higa ka dito ser."

Higa na ako. Nag-isip ako na susuntukin nya siguro tyan ko kada situps, o kaya ihuhulog sa tyan ko yung bola para matesting kung epektib.

Pero walang bolang hawak si Larry. Whew.

Stretchings na pala.

Tinaas niya ang kaliwang leg ko, nakaflat ang isang leg at ang katawan, at tinodo ang pagbatak dito gamit ang buong lakas ni Larry. Masakit na masarap.

Let me repeat. MASAKIT NA MASARAP.

Parang mga kama sutra positions ang pinaggagawa ni Larry sa akin.

Di ko mabilang kung ilang "AAAAAH." "URRRGGGH". "AAAAAWW." ang nasabi ko.

Pero di biro ang burning sensation pero at the same time ay ang masarap na pakiramdam sa katawan.

Nagcooldown ako. Nakaubos ako ng ilang bote ng tubig.
At bago umuwi ay lumamon ako ng maraming-marami.

Para akong galing sa isang hazing habang naglalakad. Paika-ika na parang di maintindihan.
Hanggang ngayon ay nananakit pa rin ang aking tyan. Nyetang situps yan. Pahirap ang paghiga. At dahil inuubo ako, kada ubo ko ay parang may sumuntok sa tyan ko. OO, ganun kasakit.

Gusto ko bumalik sa gym. At least maka once a week ako. Masaya ang unang session ko.
Pero nyetang situps yan.
Shitups!

=============
p.s.

salamat sa mga nanghihikayat sa akin na ituloy ang quest na maging MANNYK REIGUN PACQUIAO (salamat ke JAG sa bansag, asteg hehe). Pero mas gusto ko na lang na MANNYK MAKINA PACQUIAO na lang para di masyadong halata, baka isiping kapatid ko si manny. lol.
salamat na rin sa mga natawa sa hirap na dinanas ng katawan ko at tyan ko, mga nyeta kayo!

hanggang sa susunod na suntok.

jabstreyt!

Read more...

12/11/2009

The boxing experience (part 1)

Project BeatBOX.

11:30 AM. December 10. Huwebes.

Sakto lang ang panahon, di masyadong mainit maski maaraw, sapat lang ang paminsan-minsang pagkulimlim para mabawasan ang kainitan. Masarap din ang bahagyang pag-ihip ng hangin, presko sa pakiramdam.

Dumeretso na sa loob ng C.R. na itinuro ng mama para doon ay magpalit ng damit at maghanda na. Di bagay ang maong pants. Di rin bagay ang masikip na t-shirt. At hindi rin magandang ideya ang may gel sa buhok.
Sabay suot ng shorts. Magaan na t-shirt. Hinigpitan ang sintas ng rubber shoes. Lumagok ng konting tubig. Konting hilamos. At isang mahinang "Bahala na" habang palabas ng C.R.

Larry

"Ser, ako po si Larry, ang trainer nyo. May gamit na kayo? Yung glabs at handwraps?"

Maliit lang si Larry. Siguro ay mga 5'5 lang ang taas. Mga nasa 30's na ang edad. Sakto lang ang katawan para sa kanya. Halatang galing siyang sa Katimugan na probinsya dahil sa matigas at mala-bisaya nyang pananalita.

Nilabas ko na ang mga bago kong biling gamit. Kulay asul ang pares ng handwraps. Kulay asul din ang pares ng boxing gloves ko. Maliit lang ang gym. Kaya kitang kita na ako lang ang baguhan dun sa mga mangilan-ngilan na taong andoon sa loob.

Binalot na ni Larry ang kamay ko ng handwraps, una sa kanan, pagkatapos ay sa kaliwa. Kala ko ay ayos lang ang pakiramdam ng nakabalot ang kamay. Hindi pala.

"Ser, dito tayo. Stretchings tayo. Taas kamay...wan..tu..tree..por..."

Nakaharap ako sa salamin. Hindi ako nagsasalita. Pero ang nasa isip ko: *Sa wakas makakapag exercise na rin ako. Ang tagal ko nang bum at tambay lang sa bahay. Maiba naman.*

Pagkatapos ng stretchings ay pinatakbo na ako sa paligid ng nagiisang boxing ring dun. Umakyat muna si Larry para magpalit ng pang training. Ako naman eh ayos lang magjogging ng ilang ulit. (di ko na matandaan ang huling pagkakataon na nagjogging ako. P.E. pa ata nung college ako.)

Di ko binilang kung nakailang ikot ako at kung gano ako katagal tumakbo para di agad mastress ang utak ko. Hinintay kong bumaba si Larry. Pero sa tingin ko ay halos 3-5 minuto din ang tinakbo ko.

The Slow-Speedball

Eto na.

"Ser, dito tayo sa speedball. Bale suntok-suntokin nyo lang ng ganto, paulit-ulit."

Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG-Ba-BAG...

Di ganun kabilisan ang sinampol ni Larry, pero sakto ang timing nya. Shit. Hand-Eye coordination. At kung nakasuot pa nga ang salamin ko na lagpas 200 ang grado ay naduduling pa ako, paano pa kaya na wala akong suot na contact lens?

Pero ayos lang, sabi ko sa sarili ko. Mukhang eto naman ang basic kaya eto ang una. Kaya mukhang kaya ko naman to.

Sinukat ko ang kamay at braso ko. Iniisip ang tyempo, ang ritmo, ang pattern..

Ba...bag...ba...bagba...bag...ba....bag...

Teka. Wala sa tyempo. Shit. Isa pa.

ba...bagbabag...ba...bagbagba....ba.....ba...

Teka. May mali talaga eh...

"Ser, dahan-dahan lang. Relaks mo siko mo. Tapos wag mo masyado ibaba ang kamay mo. Dapat stedi lang."

Hmm..mukhang madali lang sinasabi ni Larry eh..Isa pa..

Bag...ba...bag...ba...bag...ba...bag...

*Punyeta! Tama nga ang pattern ko. pero SPEEDBALL ang tawag dito. hindi SLOWBALL!argh!*

Puputok na ata ang ugat ko kakaisip kung paano ba masolve ang riddle ng speedball.

At mukhang napansin na rin ng trainer ang pagtatae ko sa hirap.

"ser, sige mamaya muna yan. Suot muna tayo glabs, tapos basic-basic tayo."

Hay salamat. Makakaligtas muna ako sa kakahiyan ng speedball. Makasuntok muna.

JABSTREYTJABSTREYT

Masarap ang pakiramdam ng glabs...este gloves sa kamay. Sakto lang ang sukat.

Nagsuot na si Larry ng mits. Touch gloves na kami.

Tinuruan nya ako ng basic stance. At basic jabs, straight, hook, uppercut. Combinations ang pinagawa nya saken.

"Jab-streyt...jab-streyt...apper...apper...jab..jabstreyt..hook...apper...jabstreytjab..."

Nakakasunod naman ako.

Pero. Pero nananakit na ang kanang kamay ko. May mali ata akong suntok nung nagbigay ako ng pa-hook. Parang napilipit. Kada suntok ng kanan, humihina. Ramdam ni Larry. Kaya sinasabi nya:"Sige pa!Sige pa!"

"Medyo masakit na yung kanan ko." ang angal ko. Napatingin ako sa salamin at kita ko ang sarili ko na naliligo na sa pawis at latang-lata na ang katawan.

"Sige ser, taymawt muna. Pag twing tumutunog yung bell, pahinga tayo ebri terti siconds."

Ang sarap pakinggan kay Larry nung PAHINGA.

Hinubad nya ang gloves at pinapahinga ang kamay ko.

Maya-maya, pinasuot ulit ang gloves. Pagkatapos ng ilang sets ng mga jabstreythookapper, dinala nya ako sa malaking body bag.

Southpaw ala Pacquiao

Suntokin ko lang daw yung bag tulad ng parang tinuro nya sa mits, pero yung bag naman ang tatamaan ko. Nagustuhan ko yun.

Dumating na ang iba pang mas malupit na trainee ni Larry (ang isa ay babae na super lupit na kumilos. Ang isa naman ay isang malaking lalake, halos 250 pounds, na parang Mixed Martial Arts naman ang forte).

Habang andun siya ay nasa bag lang ako. Pero makirot talaga ang kanang kamay ko. Pero di pa ako masyadong pagod at gusto ko pa. Ang ginawa ko, nag southpaw ako.

Ginamit ko naman ang kaliwa ko pang-streyt.

Komportable ako. jabstreythookapper pa rin ang ginagawa ko. Di naman nagbago ang lakas at bilis ng galaw ko.

Lumapit si Larry.

"Ayan, marunong ka rin pala sa kaliwa, di mo agad sinabi. Sige nga..jabstreyt...AYUN! jabstreytapper....YAN! jabstreyt..hook...jabstreyt..apper rayt..apper lep...YAN!"

Natatawa ako na natutuwa sa reaksyon ni Larry. Parang sinasabi nya na "AYNAKO SAWAKAS TUMINO RIN ANG PORMA NG MGA SUNTOK NETO!"

Naisip ko, di rin pala talaga madali ang buhay ni Manny Pacquiao, mga boxers, mga trainers.

Wala pang isang oras ay todo-sakit at pahirap na ang naranasan ko, ano pa sila?!


***itutuloy...(kung kaya pa ng katawang lupa ko.)

Read more...

AddThis

Bookmark and Share
Blog Widget by LinkWithin

Share mo!

tweet of you

Protected by Copyscape Plagiarism Software

Count Em All

  © Blogger template PingooIgloo by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP