salamat sa tanong petitay.
sa totoo lang, nalaman ko lang ang "open relationship" na term dahil sa social network sites tulad ng friendster at facebook.
Bukod sa "single", "engaged", "married", eto lang ang status na malabo at di ko maintindihan. Open, pero malabo? Labo no?
At sa mga online friends ko, iilan lang ang nakitaan ko ng ganitong status. So tinanong ko sila dati, ano yung ibig sabihin ng ganun, kung trip lang ba ito o bagong promo sa facebook.
Sabi nila, "Sila" daw, pero walang "commitment" sa relationship. Huh? Di ko pa rin nagets. Ayoko namang tanungin kung FB lang sila dahil baka isipan pa ako na SPO (sexually preoccupied) o bastusin.
So nilinaw ko, kung exclusive ang dating nila sa isa't-isa. Sabi ng iba, oo raw. Me nagsabi rin naman na syempre hindi kasi nga walang commitment.
Ergo, malabo pa rin. I therefore conclude na ang "open relationship" para sa akin eh napakalabo at isang malaking bullshit.
P.s. unless me magturo talaga sakin kung ano ang tunay na meaning nun, please? ktnxbye
Friday, October 29, 2010
Formspring:what do you mean by an open relationship?
Formspring:Recall your worst nightmare, what was it about?
im not sure if its the worst. but i really felt shitscared..i blogged about it: i was being chased by DARTH VADER! lol.
here's the link, welcome to my nightmare!
http://manikmakina.blogspot.com/2010/09/dreamt-of-running-away-from-move.html
Friday, October 22, 2010
thoughtpic: Boy Bawang Invasion
Boy Bawang Invades Windsor Castle.
****
Busy.
Toxic.
Ngarag.
Haggard.
Wala na akong maisip pang mga salita na me synonym sa mga yan, pero yan ang dahilan.
Dahilan ng ano?
Dahilan kung bakit napakatagaaaal kong di nagblog ng matino. (Kelan ba ako nagblog ng matino, aber?!)
Yan ang dahilan kung bakit absent ako dito sa manikmakina, at di ako nakakapasyal sa mga blog ng mga gwapo't gwapang blogger friends. (naks, me plugging! bumabawi lang!)
Yung mga huling na-post ko, obviously, e mga walang kwenta para me masabi lang ba.
At dahil ngayong nakapagpasa na kami ng requirements sa university dito sa Ingglatera, at habang paubos na ang aking vacation leave, eh subukan kong manumbalik sa pag-ba-blog.
**end of intro**
"Alangya intro pa lang yun?!"
Wag ka nang umangal, matagal nga akong di nanggulo e, pagbigyan mo na ako.
Lagpas 4 na buwan na ako dito sa U.K. Marami na akong napuntahan, pero mas marami pa rin ang di ko pa naeexperience. (Oh, wag marumi ang isip.) Namasyal kami nung huling Monday sa Cambridge. Ano ang meron sa Cambridge
? <--- Ayan, click mo yung link, k? Pero kung ayaw mo i-click, fine kwentuhan kita.
Hmmm....bale...kasi kwan...basta napakaraming matatandang schools, churches, buildings, museums, art galleries, lovely river rides...get it?
Ok, here's a slideshow na lang:
Lovely isn't it?
****
After Cambridge, nakalista na agad sa sked namin ang Windsor Castle
. Ang Windsor Castle lang naman ang Official Residences of The Queen, and The Prince of Wales. O ha, bigtiiiime!
(Kung siguro sa Pinas, ang katumbas nito ay ang Bahay ni Kuya sa Mother Ignacia?)
Medyo malayo at halos 1 oras ang byahe ng train mula sa London Waterloo station. Pero sulit at swak ang experience na ito dahil ilang daang taon na ang lugar na ito na ilang hari, reyna, mga prinsesa't mga pulubi ang dumaan sa mga nilakaran namin.
Gaano kalaki ang King size bed? Maganda ba ang Queen's bedroom? Mamahalin ba ang mga painting na nakadisplay?
Ganito na lang: Ang damuhan, daig pa ang carpet sa ganda. Daig pa ang kutis ko maski ipa-Belo ko sa ganda.
Sayang lang at bawal magpicture sa loob ng castle dahil makakaapekto sa mga painting ang mga ilaw ng flash. (At baka na rin kung sino-sino ang mga itag na facebook friends, magagalit si Queen.)
Malupit din ang banat ng St. George's Chapel.
Imagine, andun nakalibing ang ilang mga dugong maharlika sa mga tabi ng simbahan.
Ano kaya feeling nun pag Todos los Santos? Ang weird ng experience, pero feeling ko nasa Da Vinci Code
ako o nasa National Treasure.
****
Konting segway to the highway muna...
Ang saya ng feeling naming lahat na bumisita. Pero lalo na ako. Dahil bago pa ako makapunta ng UK, tinawag ko na ang plan na ito na "Project QueenBeatles." Yan ang tag ko sa pagaasikaso ko sa papeles ko paglipad dito. Obvious naman kung saan nagmula ang Beatles. At ang Queen, ay syempre, bilang pangsipsip sa Mahal na Reyna Elena ng Ingglatera. Taray!!!
So nakita ko ba si Queen?
Ang sagot ay malupit na: OO NAMAN!
Napakaraming beses kaya.
Dahil nakikita ko mukha niya sa pera at barya kada minuto na nagpapaalam sa akin. yikes!
****
So ayun na, since sawa na kayo, eto naman ang aking That's my boy friendster pics.lol.
The Soldier, The Convict.
Knight in Day.
***end***
Hanggang sa muli mga bata, paalam!
Saturday, October 16, 2010
Monday, October 4, 2010
thoughtpic: Lennon is Cheap
Saturday, October 2, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)











