Ngayong araw na ito, eksakto dalawang taon na ang nakalipas, ay opisyal akong na-hire bilang staff nurse sa ospital. Halu-halo ang kaba, takot, excitement, takot ulit ang naramdaman ko nun. February 1, 2008. Parang sandali pa lang, pero di rin pala biro ang 730 na araw ko sa ward na yun. Samu't-saring eksperyens na ang napagdaanan ko (Ahem, wholesome mode to.) May masaya, may malupit, may malungkot, may nakakagalit, nakakainis, at oo, nakakabaliw.
Pero pramis, walang halong biro, at kacheesyhan at bolahan, lab ko talaga ang trabaho ko. Sa super pagkalab ko sa trabaho ko, ay napaghugutan ko pa ng inspirasyon para gumawa at ipangalan sa blog kong ito:MANIK Makina. (Dahil parang nahawa na ata ako sa "Mania" ng mga pasyente dun, wooot!)
At ilan sa mga pinaka-paborito kong mga posts ay tungkol sa PSYCH WARD, lalo na ang mga palitan ng mga usapan namin ng mga pasyente. Hindi ko nilagay ang mga ito para pagtawanan at ipahiya ang mga pasyente. Kundi upang ipaalam sa mga taong di pa kilala ang mundong ginagalawan nila (intro dramatic music), at ipaintindi na ang mga katulad nila ay di dapat kutyain at katakutan, bagkus ay mababakas na minsan, parang tayo rin lamang sila. (Oo, aminin mo na, na may kabaliwan ka rin, at di lang yun paminsan-minsan pramis.) Kaya, ang pangunahing kailangan nila ay ang pang-unawa at pagtanggap mula sa ating mga normal, kyut at may tenderlovingcare.hehe.
Kadalasan itinatanong ng mga tao sa kin pag nakwento ko kung saan ako nagtatrabaho ay ito:
"Buti di kayo nahahawa? Di ba nakakahawa yun?"
Ang aking sagot: "Di naman. Sanayan lang, at may iniinum naman kaming gamot at libre check-up namin, kaya di lumalala."
Ang mga reaksyon ay iba-iba at nakakatuwa, may natatawa, may napapaisip, at may tumataas ang kilay at nagugulat. Sasabayan ko pa ng biglang palit ng emosyon mula sa naka-ngiti ay biglang simangot, ayun, tinablan na sila ng lintek na tulad ko.
++++++++++++++++
Isa sa mga paborito kong dialogues sa Psych Ward lately ay si Ms. Ferrari Arlegui (di tunay na pangalan!).
reigun: Hi, kamusta ka na mam?
Ferrari: okey lang ako. Nakikita ko si Isaac Newton. Siya yung asawa ni Helen, yung umatake di ba yung Babylonians? Kasi matanda na si Isaac Newton, kaya nagkaroon siya ng dalawang persona, yung isa naging si Manuel Quezon, kasi di ba matanda na siya? Naging siya yun.
reigun: umm, teka, masyadong magulo na ang iniisip mo, halo-halo na ang mga nabanggit mo...
Ferrari: Hindi. Prinsipe ng mga Engkanto yung mga scientists...
reigun: .........
+++++++++++++++++++++
Yan muna pansamantala mga katoto. Binabati ko ang mga pumasa ng Nov. 2009 Nursing Licensure Exam! Congrats! Mag-enjoy at magsaya. Pero sa lalong madaling panahon, kailangan nang kumayod. Tumindi na naman ang kumpetensiya, kaya goodluck sa lahat mga kabarong RNs!



Yes. It's another time for the Manik Makina to put the spotlight on Mr. Sipag at Tiyaga, Mr. "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?", the Mr. Commercial 2009-2010, the presidentiable Senator Manny Villar.



James Cameron had this on his mind since the 90's. Imagine, it was a time where Spice Girls ruled the world, he has yet to direct Titanic, there was no Facebook, there were no pirated DVD's, no iPods.