
Saturday, November 28, 2009
thoughtpic:lamon luk

Thursday, November 26, 2009
mga gagong sagot ni reigun
Pero, may SAKIT ako. Oo, tinatablan din ako. Kagabi pa mula nuong nagaapoy ako ng lagnat at grabe ang saket ng katawan na parang galing ako sa hazing sa isang fraternity.
(baket ako online?)
eh sa trip ko eh! Nabuburyong ako na nakahiga lang sa kama buong araw! Pero pagkapost neto ay pahinga na ulit ako. hehe.
So, eto na:
(ok fine, hindi lang mga patients ang may mga nakakatawa at mga nakakagagong mga dialogue sa ward, so bibigyan ko na rin kayo ng mga sampol. asteg toh!)
"maraming gustong pumunta ng langit, wala namang gustong mamatay."-sambit ng isang mala propetang patient
*may dumaang daga sa dulo ng hallway.
female pt:sir reagan, may daga oh, yuck! katakot!
reagan: ok lang yan, takot din sayo yung daga.hehe.
*night duty
reagan: uy mam, matulog ka na, gabi na po.
pt: eh bagong ligo ako eh, di ba bawal matulog ng basa ang buhok?
reagan: edi pautuyuin mo. hala, tulog na.
pt: onga no? antalino mo talaga sir!
*after the socialization and karaoke session
reagan: sir, mukhang ganado kayo sa pagkanta kanina ah.
pt: bitin nga eh.
reagan: pano mo nasabing bitin?
pt: eh sako-sako pa yung bitbit kong mga kanta eh!haha!
reagan: ah ganun ba, videoke machine pala kayo tatay eh, nekstaym
magpamigay naman kayo ng bitbit nyo ha?hehe
*pagkalabas ng isolation room
nurse: paano mo natuklap yung takip ng switch at natanggal yung mga screw?
pt: phillips po ser.
nurse: asan na yung phillips?
pt: wala na, nasindihan ko na po ser, hehe
*phillips ang tatak ng screwdriver at tatak ng isang yosi ang phillip morris
*bago maghapunan
reagan: sir, upo na kayo ha, magtake lang ako ng dugo para sa cbg nyo, tapos hapunan na.
pt: no! ayoko, i refuse!
reagan: sir kailangan po ito, doctor's orders po.
pt: ayoko, ayaw pa ako irelease ni doktor eh. (sabay bumangon sa kama.)
reagan:sir, san po punta nila?
pt: iihi ako
reagan: sige po. intayin ko po kayo. (intay)
reagan: nakaihi na po kayo sir?
pt: tapos na
reagan: ok. upo kayo dito para sa cbg nyo, tapos hapunan na. hinahanda na po.
pt: ok.
*cbg=capillary blood glucose (ito ay test kung saan ichecheck ang blood sugar ng mga diabetics
*sa nurse's station
lolo pt: i love doktora, ang ganda-ganda talaga, maski kuko pa lang, kahit san mo tignan!
clerk: ser me ginagawa ako, mamaya po tayo magusap.
reagan: ser sige na po, mamaya na lang, wag muna sila maingay.
clerk: atsaka di ba may asawa kayo ser?
lolo pt: ay wala po mam, im divorced!
reagan: ay yun naman pala dok eh, single and ready to mingle, sige usap muna kayo! hehehe
*pagrounds ng doktor
lolo pt: hello ser doktor, gudmorning po!
doktor: gudmorning ser.
lolo pt: ang gwapo no dok ah.
doktor:ah ser dun ka muna maupo ha sa dulo ...
*sa isang misa
pari: who is God in one word?
pt: God is love, lamb of God who takes away the sins of the world...(etc.)
pari: hmmm...very good!
*isang senior citizen ang lumapit sa nurse's station
pt: asan na yung shorts ko, ayoko neto maluwag walang tali eh.
reagan: sir, di ba yan yung shorts na hawak mo ang suot mo kanina?
pt: eh *#&@$*@$! ayoko neto eh
reagan: sir, nakahubo po ang pangibaba niyo, isuot nyo muna yan sa kwarto bago kayo lumabas dito.
(sinuot din ni tatang)
*isang umaga
reagan: sir, baliktad po ata ang t shirt niyo?
pt: eh may nakasulat eh, hehe.
(maya maya, binaliktad ang tshirt)
ang nakatatak sa orange na damit:
PRISONER OF LAS VEGAS COUNTY JAIL
Tuesday, November 24, 2009
f*ck violence!
Lalo na pag usapin sa Mindanao.
Patayan. Pagsabog. Pagkidnap. Pananakot.
Walang pinagbago. Nakakagalit. Nakakainis.
Pero ang balitang ito, bagama't malayo, at tila wala namang kinalaman ang halos lahat sa atin, ay talagang nakakaapekto. Nakakagalit. Nakakasuka. Nakakapagpamura. Tangna.
Sa Mindanao, sa probinsya ng Maguindanao, humigit kumulang na 40 katao na ng natagpuang patay. Bagama't malayo pa ang Mayo 2010, ito ay pulitika ang pinag-ugatan.
Away-away ng mga malalaking "political dynasty". Ang dalawang pamilya, Ampatuan at ang Mangudadatu. Napapabalitang may matagal nang hidwaan ang dalawang pamilyang ito. At lalo pang tumindi mula nung napagpasyahan ni Esmael Mangudadatu na kalabanin sa pagka gobernador ang incumbent na si Andal Ampatuan.
Kahapon, may convoy ang grupo ng asawa ni Esmael Mangudadatu, kasama ang ibang myembro ng media, upang sumama upang mag-cover ng pag-file ng Certificate of Candidacy sa "teritoryo" ng Gov. Ampatuan. At doo'y hinarang, dinampot, at pinagpapatay ng walang habas ang mga kawawang mga kababayan natin. At ngayo'y tinitignan ang anggulo na ang "private army" ni Gov. Ampatuan ang may kagagawan nito.
Nakakagago. Nakakagalit.
Ang dami-daming problema sa mundo, at pinili pa ng mga walangyang ito na pumatay ng mga inosenteng tao, para saan? Para sa kapangyarihan?
Kung ito man ay totoong ang Gov. Ampatuan ang may kagagawan, sampu ng kanyang mga anak na may kanya-kanya ring posisyon sa mga probinsya, ay talagang kademonyohan na ang ganitong gawain.
Mga matatapang dahil may mga hawak na armas. Mga gago at mga walang bayag ang sinumang papatay ng tao, na kung saan ang iba diumano'y sinagasaan, dinurog ang mga ulo, at pinagpuputol-putol ang mga ulo, paa't kamay.
Ang nakakatakot pa, ang mga hayop na ito ay opisyal ng lokal na pamahalaan. Di natin masisisi kung ang mga tao roon ay takot na takot.
Pero posible bang ni isa sa mga tao roon ay walang impormasyon tungkol sa mga kagagawan ng mga ito? Posible bang walang "INTELLIGENCE REPORT" ang nakakarating sa pulisya, sa militar?
Wag na nating isama sa usapan kung may nagagagawa ba ang mga hayop na berdugo na mga ito sa gubyerno.
Dahil ang Maguindanao ay isa sa PINAKAMAHIRAP na probinsiya sa bansa. At kilala rin ang Maguindanao bilang sa tanging probinsiya kung saan ang Senate line-up ng Administrasyon ay naka perfect 12-0.
From Inquirer: "Ms. Arroyo called Ampatuan a valuable ally. In the 2004 election...in one town, HER RIVALS DID NOT GET A SINGLE VOTE."
article link dito
At ito pa, muli galing sa Inquirer:
Benjamin Abalos, a political ally of the First Gentleman who had been appointed COMELEC chair in 2002, assumed initial responsibility for the polls in Mindanao and then placed key lieutenants in strategic posts. In Maguindanao, his provincial election supervisor was a well known protégé of Garcillano who had merited frequent mention in the “Hello, Garci” tapes and was linked to suspiciously strong pro-Arroyo results in the 2004 election. Without the effective oversight of either COMELEC or election monitors (who were barred from many localities), Macapagal-Arroyo’s political allies in Maguindanao were able to deliver a sweep to her Team Unity senatorial candidates.
The key figure in securing this outcome was Governor Andal Ampatuan, who commands a substantial paramilitary force and has a reputation for using violence against his political enemies. “Whatever the president wants, he will follow,” said a family friend to Newsbreak.
“12-0 is what Ma’am wants.” Ampatuan is no doubt well-rewarded by the Palace, but seemingly cuts deals for his own benefit as well. Among the Team Unity hopefuls, it is reported that “the ranking of individual candidates depended on how much they would pay up.” Rumor has it that the top senatorial slot in Maguindanao went to a northern Luzon strongman for the sum of 30 million pesos (US$636,000).
Ano ang ipinupunto ko rito? Tiyak na kilala ng kung sino man sa Administrasyon kung ano ang mga kulay at klase ng mga pagkatao ng mga pinuno diyan. At kung sakaling may narinig sila na "tsismis" na may "private army" ang mga opisyal dun, bakit tikom ang bibig at nagbubulag-bulagan ang ating mga pinuno at mga miyembro ng militar at kapulisan?
Dahil ba walang kwenta ang Maguindanao dahil mahirap lamang ito at walang masyadong personalidad na aangal? Eh panu kung ito ay nangyari sa ibang parte ng bansa, tulad ng Davao? Cebu? Boracay? Manila?
Hangga't di umayos ang gulo sa Mindanao, hindi aangat ang Pilipinas.
Sana managot ang mga dapat managot. Sana umaksyon ang mga dapat umaksyon.
Hustisya para sa lahat ng mga namayapa at sa kanilang mga mahal sa buhay.
Mamatay na sana ang mga may sala neto. Pero dapat unti-unti silang patayin at pahirapan. Pati na rin ang mga taong nagpabaya upang mangyari ito.
sabi nga ni Jun Sabayton:"PUTANGINANG VIOLENCE YAN!"
Monday, November 23, 2009
smile naman tayo dyan!
di dahil sa may pambansang tsismis na manny-krista.
kundi dahil nanalong CNN HERO OF THE YEAR si Efren Penaflorida Jr.! Ang inspirasyon ng maraming kabataan na di hadlang ang kahirapan patungo sa edukasyon at pagabot ng kanilang mga pangarap. At dahil sa natapos na ang botohan, siya na nga ang nagwagi.
astig!
"So to each and every person inside this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers ... you are the change that you dream, as I am the change that I dream, and collectively we are the change that this world needs to be."- Kuya Efren
andito ang buong balita.
John Mark:Majikero el Bolero from reigun decena on Vimeo.
Minutes before the actual Friday Poker at Diane's condo, John Mark showed his madskillz on magic. (really?!) Lare, Jen, Mark, Laarni were amongst the witnesses/victims of this dude's magic assault.
watch & learn.
=manikmakina=
pero ayos lang, dahil libre naman to, so no hard feelings. nakakuha ang utol ko ng complimentary tickets dahil sponsored ng Veteran's Memorial Center and showing nuong sabado sa SM The Block. isinama ko si tolski. at dahil may 2 pang extra tickets, nagpacontest ako ng mabilisan sa facebook. (ang unang magcomment, ang mananalo) ayun, mabilis pa sa alas kwatro ang dati kong katrabaho na sila ian at bugs na tila bumangon sa libingan na biglang nagparamdam! haha. ang saya ng panunood namin dahil twing lalabas si jacob ay titili ang mga babae at ibang mga lalake. *ahem* di ako yun. kelangan pa ba ng reviews dito? seriously?
my one liner review:"Half naked men versus Metrosexual dude with uber foundation and lipstick. But overall, way better than twilight."
yun na!
May maganda siyang idea. Ano ito? Isang minutong smile! Simple lang, pero rock. Para mas malinaw niyon maunawaan at di parang lasing lang ang kausap niyo, eh i click nyo ito para ayos.

at bilang may konek sa isang minutong smile, ay nagisip ako kung ano ang nakakapagpa smile sa akin.
nahirapan akong sumagot at magisip na parang may final exam lang na essay ang sasagutan ko. kaya nung nakita ko ang pic na ito, ay may sagot na ako.
this photo is much more than the words my brain can process.

Thursday, November 19, 2009
thoughtpic: curly tops
Tuesday, November 17, 2009
MGB NEWS:the lost journals
"The Lost Journals"
hey golden diary,
great job. imagine, the investigation of the c-5 scandal went pfft. see, i told yah! yeah, i told them that i did not benefit the extension road placed through my subdivisions..i mean, hello?! what if the land value rose for my subdivisions? im not the only one who owns a property there! even the govt does! duH! to those 12 senators who really do mean well for the country (and that includes me and loren who signed up to stop this shit.) cheers!
katropa mo,
manny v.
p.s.
some guys think that i got the deal done by offering loren the vp, and in exchange is to have her convince everyone that im innocent...yun ang akala mo jambs..ha ha!
=======================
dear recycled diary,
finally got a presidential partner. its really tough to get someone to agree with. ah, men! i think orange and green matches well, right? im thinking of wearing an orange-green gown in the next few commercials. and for those people who thought that ive aligned myself with manny just for the money and the machinery? ha ha ha!
but seriously, thank you for that wonderful house, loved the orange motif.
forever faithful,
loren
========================
estimado diario ,
i think im going to learn how to act, play the guitar, sing some karaoke songs, play some billiards, produce some films, run for congress , and who knows, maybe that'll do the trick. you know.
el lastimar/hurting,
miguel
======================
dear diarrhea,
hi. its really hurt but did not tenks to hidden soldiers. you know. its oki.
champion,
pacman
======================
dear josh's diary,
another star(for all seasons), another bling baby.take that!
reppin,
noy
=====================
dear expensive diary,
finally! i want a political party that can promise an administration that is competent and truthful—one that can offer solutions to our nation’s problems(translation: oooh, that little lady boss was sooo irritating, im glad she's my boss, NOT!)
freed,
gov. vi
======================
dear vi's diary,
another day. another life. another shot. one more chance. yahooo!!
pimpin,
ralph
=======================
dear lucky me diary,
WOOOOOOOOOOOOOOOHOOOOOOO! the biggest gig ever!
Let's do the papaya!!!
gamin,
edu.
======================
dear malacanang diary,
wow.
0 to 2% in the surveys?!
being an admin bet is really tough huh?
thanks to doods...
confused,
gibo
=====================
dear chuva,
chorva talaga mga chaka na yan. jombagin sila to death ng mga mudra namen. comelecsung, hindi winnie monsod ever. dami nilang cheness.
imbyerna,
LadLad
======================
Sunday, November 15, 2009
thoughtpic: Wapakman(+video!)
7 titles, 7 different weight divisions, 1 Proud Pinoy.
Now let there be a Manny Pacquiao day!
Where there will be a day of no crimes, no traffic, no problems and no crisis!
Astig ka!
"Takbo ka ng takbo ha, huli ka!!!"Linked from: teampilipinas.info
=======================================
*updated: youve heard the news, read the details, so why am i gonna give you another run of it, right? So im just going to provide you my unofficial, unprofessional insights of the pacman fight from my twitter.
# "magaaral na akong kumanta, mag-acting, magbasketbol at mag-model"-cotto 34 minutes ago from web
hellyeah!new nike stuffs pls?^^ RT @diannerized @manikreigun hahaha! XOXO ba? Merry Christmas and Happy New Year Ninong Manny :D FTW!!! LOL about 17 hours ago from web
so, paramdam naman dyan yung mga pumusta kay cotto? anyone? hehe about 17 hours ago from web
@diannerized maki mwahugz ka na rin kay ninong manny!hehe about 17 hours ago from web in reply to diannerized
@pjcaranzo wow, dumarami tayong mga inaanak ni pacman?!haha about 17 hours ago from web in reply to pjcaranzo
"Mano po Ninong Manny!!!!!we miss you!mwahugz" about 17 hours ago from web
WAPAKMAN!!! http://fb.me/31MPwuq about 17 hours ago from Facebook
people still wonder paano nakakapgconcentrate si pacman despite sa mga gigs nya?eh gnun tlaga pinoy:masayahin, mahilig sa showbiz at vdeoke about 17 hours ago from web
and now gma 7 shows the pre-fight national anthems...ftw. about 17 hours ago from web
aside from winning 7 belts in 7 weight divisions, now manny pacquiao, pac-man, pac man are now trending topics in twitter. amazing.woot! about 17 hours ago from web
RT @ParisHilton Pacquio kicked his A$$, that was a crazy fight! about 17 hours ago from web
YOURE NEXT GAYWEATHER!!! about 17 hours ago from web
TKO WIN in 12th for pacman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! about 18 hours ago from web
cotto is getting pwned about 18 hours ago from web
"takbo tayo"- cotto about 18 hours ago from web
konti na lang! about 18 hours ago from web
cotto is going down!!! about 18 hours ago from web
cotto, 2nd knockdown! about 18 hours ago from web
pacman gets tired about 18 hours ago from web
5 combo punches for pacman. owns 2nd round! about 18 hours ago from web
kinakapos si pacman!!! about 18 hours ago from web
@iamdiddy #pacman!!! about 19 hours ago from web in reply to iamdiddy
julio cesar chavez jr. is undefeated in 40 fights. and he's only 23?! about 20 hours ago from web
pacquiao isnt a trending topic? whoa. ok, lets try #pacman? xD about 20 hours ago from web
cotto's ritual is watching the undercard fights among the crowd. talk about being cool. the other boxer who did it b4?muhammad ali. about 21 hours ago from web
yeah.too much for vera. 1 word: ageless RT @JinnoRufino thanks, damn the legend of the natural about 21 hours ago from web
@JinnoRufino all i know is couture won via UD about 21 hours ago from web in reply to JinnoRufino
@clarrise05 haha..i knew it..watchpad's promise is too good to be true.. about 21 hours ago from web in reply to clarrise05
@clarrise05 nope. downloaded a software, (sopcast) free live stream. ^^ about 22 hours ago from web in reply to clarrise05
@tomoenishi ikr!with pacman, who knows the endless possibilities of his fight's effects...freezing time?worldpeace? you know. xD about 23 hours ago from web in reply to tomoenishi
very priceless. ^^ RT@bubblesparaiso today, there will be no traffic and 0% crime rate again in the Philippines. thanks to Pacquaio. haha about 23 hours ago from web
sop/tvuplayer, finally (hopefully), ill be watching pacman-cotto ppv @ home. free. such a lifesaver, mwahugz. 12:46 PM Nov 14th from web
@madzmadzmadz cuz if youre pacman, youre so damn good, that you own everything! xD 10:43 AM Nov 14th
dti pngarap ko maging artista.pero ngayon, gs2 ko maging boxer.dhil yayaman ako, mgiging artista, singer, producer, model, astronaut.. 10:38 AM Nov 14th from web
=================================
and since there's a post-fight concert, i'm going to give you the pre-Jimmy Kimmel Show number, that gave Manny a number of hits in youtube. Here he is, singing with my cousin, Madonna Decena, the Britain's Got Talent 2008 Pinay Sensation, (and yes I'm so damn proud to name-drop now!). xD Okay, nuff said, here it goes!
Saturday, November 14, 2009
Pacquiao-Cotto Pay Per View=FREE!
Updated!What: Firepower.Pacquiao Vs Cotto
When:November 14, 2009 Live @ 9pm EST/ 2am GMT/ November 15, 2009 8am Manila Time
Where: Las Vegas. Puerto Rico. Philippines. Bars, Restos, Arenas, Local TV bombarded with commercial breaks.
and at your home. FREE!
How?
You can download the free softwares: Sopcast and TVU.
BUT TRY TO DOWNLOAD SOPCAST.
Then try to log in as anonymous, then paste the address: sop://broker.sopcast.com:3912/24267
then, enjoy!
If you don't want to download the software, you can just watch it live at justin.tv.
And for better convenience, I've embedded the video link here for you guys out there.
So, mark the date, set the time. and LEEEEEEEEEEEEETSSSS GETREADY TO RUMBBBBBBBBBLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLEE!
Watch live video from New World Channel on Justin.tv**Note: If you're experiencing stream interruption or any technical difficulties, just click on the refresh button.^^**
special thanks to: pacquiaovideo.com
Friday, November 13, 2009
psychward: drink+drive+seatbelt=good
matagaaaal na rin mula nung huling nagshare ako ng dialogues ko with a psych patient sa ward..
inaamin ko this past few weeks, naapektuhan na ang pagiging psych nurse ko dahi sa mga happenings sa aking personal life (naks, emo daw amp. eew).
so ano naman ngayon?
wala lang. di ko feel masyadong makapagchikahan sa may mga problema sa pagiisip lately. yun lang.
kaya wala nang kyeme kyeme, eto na ang salitaan:
Ser Vesa: (lumapit sa nurse station) nars..
reigun: yesser, ano po yun?
Ser Vesa: pwede bang tumawag sa telepono dyan?
reigun: nako ser, di po pwede e, dapat may order galing kay doktor yun.
Ser Vesa ah ganun ba..
reigun:oho. ano po ba ipapasabi nyo?
Ser Vesa: magpapadala lang ng pagkain. tsaka ng damit.
reigun: sige po ser, kapag tumawag sila, ipapasabi na lang namin. kamusta ka na po ser?
Ser Vesa: Eto, naiinip. nalulungkot.
reigun: Pasensya na ser. Pero matanong ko lang, ano ba ang dahilan at nadala kayo rito?
Ser Vesa: Kakainom. Alcoholic ako eh.
reigun: Ganun po ba...Ano ho ba iniinom nyo?
Ser Vesa: Marami eh. May gin, beer, rhum, lambanog, kahit ano.
reigun: Ano naman ang dahilan bakit umiinom kayo?
Ser Vesa: Eh kapag pagod sa trabaho, pagkauwi, ayun pampatulog
reigun: Teka. Dahil pagod ka, iinom ka ng alak para makatulog? ayos ah, hehe
Ser Vesa: Oo ganun na nga! (ngiti) Di ko mapigilan eh. Maski magiisa ako, makaisang bote man lang.
reigun: Naku, alam nyo naman na kung ano yung tama sa mali. Ano po ba trabaho ninyo?
Ser Vesa: supervisor ako sa isang construction company.
reigun: nakakapagod nga yun...Pero di na siguro kelangan uminom pa di ba?
Ser Vesa: Oo nga eh. Kapag wala yung mga kasama ko sa trabaho, ako mag-isa. Maski nga habang nagdadrive ako, umiinom ako eh.
reigun: Nako..yon ang masamang gawin. Ang magdrive habang umiinom..Buti di kayo naaksidente.
Ser Vesa: naaksidente na nga ako eh (ngiti)
reigun: Ano? Ano nangyari?
Ser Vesa: Nagdadrive ako, tapos umiinom. Eh nalaglag yung bote, yumuko ako para pulutin sa sahig. Pagtingin ko ulit sa daan, may kasalubong na lang ako na dump trak. Wasak yung sasakyan ko. Buti nakaseatbelt ako. Di naman ako napano masyado.
reigun: kaya ser, alam mo na ang gagawin mo..masama yung sobrang pag-inom. baka naman paglabas mo dito sa ospital eh magcelebrate ka at uminom ka na naman?!
Ser Vesa:he he he
Thursday, November 12, 2009
thoughtpic: someone got pwned
mainit ang panahon, maaraw..
nagtatype ako..(takatakataktaktak..clickclick..takatakataktak) "ayos" sabi ko sa sarili ko. malapit ko na matapos ang blogpost ko dahil matagal na rin akong di nakakapagupdate...naclick ko na ang file button ng wordpad...papunta na ang cursor ko sa save...nang....
"......." *namatay ang monitor?* Brownout?! sheeeeeeeet!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
sa loob ng isang segundo ay nafeel kong *poof!*, naging coco crunch ang file ko.
"dalawang oras daw yan mawawalan ng ilaw!" narinig ko sa labas.
May timer na ang brownout? So labas akong nakaboxer shorts at sando na feeling macho at naki-uzi ako sa labas. Maraming taong nakahelmet..maraming trak..parang meralco...at nakatitig sila sa poste sa kanto namin at nagpaplano...
Sa wakas ay ililipat na nila ang metro ng kuryente sa mas malayong poste. Dahil ang posteng iyon ay ARAWARAW kinakabitan ng mga hinayupak na mga squatter na yan at nagnanakaw ng kuryente kaya mataas ang electric bill ng mga lehitimong nagbabayad ng metro.
sa kabilang dulo ng kanto, ay nanunood din ang mga skwater jumpers, parang pinagaaralan kung pano ang gagawing sunod na diskarte pagkaalis ng mga taga-meralco.
Sunday, November 8, 2009
bi?bored?balls?
nabobore ka ba?
syempre di naman tinatanong yun. kahit sino naman siguro ay nabobore, kahit gaano ka-ikli nung panahon. pero ako, magaling akong magaksaya ng oras at panahon ng buhay ko. dahil kung hindi siksik ang araw ko sa mga gawain at todong kapaguran, may mga araw din namang di mo na alam ang gagawin pagkatapos magbilang ng sapot sa bahay at makipagtitigan sa tv o sa computer.
kaya madalas ay nakikipagitigan ako sa sapot ng computer.
so yun na nga. may plurk account ako. pero bihira ko na itong buksan. mas madalas ay nasa twitter na lang ako. (dahil walang plurk account si pauleen luna.lols) may mga ilang pagkakataong minsan parang gusto ko nang isara ang plurk ko at magtago muna at magmunimuni sa sekswalidad ko.
bakit?
bi nga ba ako? tulad netong isang guy, nagtanong siya ng general question sa lahat, at nakiepal akong sumagot sa tanong na: "vice or versa?"
malay ko ba kung ano yun. eh mahilig akong sumagot ng pa gago, edi sagot ako: versa.
sabay private plurk siya:
Y: san ka nakakuha ng layout para sa blogspot?
Y:ano pala ym and celfone number mo?
manik:makina nagsearch lang rin ako..teka check ko kung nasave ko yung site..
manik:makina eto, dito: www.bloggertricks.com/2008/06/blogg...
Y:ano ym and celfone number mo po?
manik:makina ym: radecena14. sorry i dnt gve #s. :-)
Y: ok. are you a bi or a gay guy? versa ka kamo kasi
manik:makina haha. nah, i thought sa versa is both top and bottom. there, i answered in a stupid way. (LOL)
Y: ok. hehehe... i thought tuloy na pareho tayo. you're a straight guy, then?
manik:makina a VERY straight dude. (LOL)
Y: nice
so, ayun na. natawa na lang ako. i have nothing against bi's, gays, or anyone na nasa 3rd sex. di ko naman siya pinagtaguan at di na pinansin pa, oks lang sakin yun. mas natatawa lang ako sa fact na, napagkakamalan akong bi or gay. kala ko coincidence lang yun dahil sumagot ako sa tanong na di ko alam, etc. pero naulit pa talaga eh, ibang tao naman.
again, kung sino ka man, sorry. pero di ko intention na ipahiya ka (well burado and monicker mo at logo, so chill)ang point ko lang eh, masama akong mabore. dahil pag nabobore ako, napagkakamalan akong bi or gay.
lols.
=======================
at syempre, dahil todo na rin ang pagkabore ko, ay may tumblr account ako. yeah, nakiuso na naman ako.
masaya dito, dahil less pressure ang mag repost, magreblog, magfollow, walang ads at maraming mga creative minds ang andito. (pero ako yung isa sa mga nakiki uzi lang, hoho)
at dun, nalaman ko ang tungkol sa formsprings. Eto ay uri ng survey, questionnaire, chuva form na pwedeng i try for free. so ayun, dahil isa akong dakilang inggitero at manggagaya, eh naki uzi rin ako at gumawa.
at ang una kong biktima ay si anabanana. ito ang kanyang makamandag na tanong:
formspring:gut and eggsyun na!
manikmakina:
FormSpring Submission for form go ahead, shoot me. at 11/04/09 7:53 PM
———————————————————————————————————-
Name: ana
Q: ano bang masarap na pwedeng kainin ngayon isaw ng baboy o tokneneng o parehas?!
Alam mo pareho kong paboritong kainin yan. Natry ko na ring iulam sa kanin, shucks ang sarap. Para malaman mo kung ano masarap kainin ngayon, tanungin mo yung nagititinda kung ano yung mas hugas:yung bituka o yung itlog.
Yung mas marumi, yung kainin mo, mas masarap. Kung di nya alam, pareho.
damihan mo ng suka at spices at magshare ka, eh ayuz yan.
oh diba, nakakaaliw at nakakabaliw pag na-bore ka at napadpad ka sa cybespace!
(isa rin itong patunay na natutuyot na ang utak ko)
sa mga gustong sumubok sa aking angking talino at gusto nyong makipagdebate, at nais sayangin ang oras nyo, aba'y eto ang FORMSPRINGS ko:
http://www.formspring.com/forms/?739256-i1disqmoUD
kaya, hanggang sa muling pagkabore mga bata, paalam!
Thursday, November 5, 2009
titter:look who's tittin'
Tuesday, November 3, 2009
thoughtpic: noynoy.ktnxbye!

Regine Velasquez: "Di ka nagiisa!"
Ogie Alcasid: "Nandito ako!"
Mariel Rodriguez: "wowowee!HA!HA!HA!"
James Yap: "..........."
other pba players:"Game!"
Sharon Cuneta: "Meganun?!love ko to!"
Boy Abunda: "SUSUNOOOD!Now na!"
Bea Alonzo "Ang cheesy!"
Anne curtis:"Omg!IKR!"
Dingdong Dantes: "Whoa! Galing! "
Marian Rivera: "Beautiful!"
Ai-Ai delas Alas, "isama na ang mga tanging ina nyo!"
Bianca Gonzales: "Bilang dating boarder ni kuya, go!"
Erik Santos: "This is the moment!"
Kris Aquino: "If yes, give me five!Now na!"
Sunday, November 1, 2009
awwoooondas
pyesta ng mga patay.
halloween.
anu ang gagawin mo?
uso ang mga kwentong katatakutan, kababalaghan. Mga multo, mga espirito, mga aswang, at iba pang mga kwentong pwedeng makalaban nila darna at captain barbel.
nakakamiss ang mga nakakatakot na mga kwento sa tv, lalo na ang Magandang Gabi Bayan ni Kabayang Noli. Takot na takot ako manuod noon. Pero para di matawag na duwag, eh tatakpan ko na lang ang mata at tenga ko.
ang iba naman, nakikiuso na rin sa pagpunta sa halloween costume party. yung iba ay nagsusuot ng mga kakaibang costume, nakakatakot, nakakatuwa, nakakasindak, nakaka...umm...aliw. Yung iba naman ay wala na lang suot para mas tipid at mas scary.
At syempre, ang karamihan sa mga pinoy ay bumibisita sa mga mahal nila sa buhay sa mga sementeryo. Na minsan ay ginagawa na ring panahon for reunion ng mga magkakamaganak.
Ano ang ginawa ko nung Halloween, nung gabi ng Oct.31, 2009?
NIGHT DUTY AKO SA OSPITAL.
oo. walang kaepekepek. walang eklavu. yun lang.
pero iba ang feel habang nanunood ng mga tv special tungkol sa mga namatay at mga nakakatakot, tapos and dilim2 ng ward.
shet.
nakakapanindig balahibo.
at, eto na ang part kung saan nagkakwentuhan na ng mga malulupit.
wala akong 3rd eye. so puro kinig lang ako ng mga kwentuhan. at sa mga napagkwentuhan, dito talaga ako tinablan ng kuwan.
ng takot.
nagkwento ang aming nurse aide na si kuya jonathan. (naks, special mention!alam mo na, ahem!)
Bago siya naassign sa Psych Ward, dati siyang nagtatrabaho sa Laboratory. (kung saan sila namamahala mag extract ng mga dugo, etc., at gawan ng mga lab tests at exam.)
So, isang gabi, may isang med tech, na mageextract ng blood for labs para sa isang patient sa WARD A.
4 a.m. ang oras. Saktong oras ding yun, ay pumunta si Ms. Medtech sa kwarto ng patient.

Ang patient ay isang BURN victim, at tipong 3rd degree burn talaga, na di na halos matatawag na balat pa yung natitirang mga sugat sa katawan niya.
Pagpasok ni Ms.Medtech, nakita niya ang dalawang bantay ng patient. Bumati siya ng Good morning.
At siya namang tumango ang dalawang bantay. Di na niya narinig nagsalita o nakitang tumingin dahil maaga pa at malamang ay antok pa.
Punta si Ms. Medtech sa patient. Habang tinitignan ang area kung saan kukunan ng dugo (sa may kabilang side ng elbow), ay nahihirapan siya maghanap ng ugat dahil severely burned nga ito.
So, di nya nakunan ng dugo. Nagpaalam muna siya, at umalis.
Bumalik siya ng lab para magpatulong sa senior at expert na.
Nang malaman ni Mr. Senior, nagulat siya.
"Nakuhanan ko na to ng dugo ah?May request na to, same lang, bandang 2 am ako nagpunta dun. At di siya sa WARD A. Nasa WARD B na siya." sabi ni Mr. Senior.
Laking taka ni Ms. Medtech. Imposible daw dahil malinaw ang nakalagay sa request. At kakagaling lang niya sa WARD A.
Dali-dali, nagpunta sila sa WARD A para balikan ang patient.
Pagpasok nila sa kwarto. Walang tao. Walang patient. Wala yung 2 bantay na binati ni Ms. Medtech.
Nagconfirm sila sa nurse's station. Midnight pa raw nagtransfer to WARD B yung patient.
Nashock si Ms. Medtech at di na mapigil ang iyak pabalik sa lab.
Dahil ayaw niyang isipin kung sino yung dalawang bantay na binati niya na parehong naka itim....