Monday, August 31, 2009

da bro code

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 


ano ba ang "Bro Code"?
Sino ba si Bro? Si DaVinci ba may gawa nito? O si Dan Brown?

Una, di "BRO" ni Santino ang tinutukoy dito. Ibang Bro yun, mas powerful siya. Ang bro ay ginagamit na pantukoy ng mga kalalakihan sa kanilang mga tropa, barkada, kaibigan, o kainumang mga lalake rin. Basta patas at pantay na turingan sa isang kapwa kaibigang lalake.

Ano yung "Code"?
Okey, hindi si Da Vinci o si Dan Brown din ang may gawa nito. Sa katunayan, walang nakakaalam ng kung sino man ang may gawa nito, o kung sino ang nagpasimuno neto. Pero malaki ang tantsya ko na lalake ang may pakana neto.

Ano ba ang meron sa Bro Code?

Marami. Ako man ay di gaano karami ang alam ko, pero malamang ay marami rin ang mas madadagdag pa dito. Kilala rin ito bilang "Gentleman's Agreement", o "Usapang lalake".

Isa sa mga pinakapopular na "batas" sa "Bro Code" ay:

:"Ang kay Juan, ay kay Juan. Ang kay Pedro, ay kay Pedro."

Kung ano man ang pag-aari ng isa, wag mo nang angkinin. Wag mang torotot. Wag manulot. Wag mang-agaw. Hanap ka ng para sa iyo. Touch move. Wag matigas ang ulo.

Tablahin mo na ang lahat, wag lang ang katropa mo.

For example, Si Boy 1 ay naging type si Girl, di na dapat pumorma ang kaibigan ni boy 1 na si Boy 2. Lalo na, kapag nanligaw na si Boy 1 kay Girl. At mas lalo na kapag naging sila na talaga. At kung minsan pa, ay may extension ang bisa neto. Dahil sa mga ibang sitwasyon, kahit break na si Boy 1 at Girl, ay di pa rin magandang pormahan ni Boy 2 si Girl, lalo na kung panget ang break-up.

Anong maaaring mangyari? Bukod sa sakitan ng katawan, ay sakitan ng damdamin at maaaring ma peligro ang pagkakaibigan ni Boy1 at Boy2.

Eh pano kung nagkasabay ng di sadya manligaw, tapos nagkasundo sa "May the best man win?"

Pwedeng sundin ito, kung maayos ang paguusap ng 2 magka BRO. At kung alam din ng Girl na may ganitong paguusap upang di niya maisip na siya ay napagpupustahan lang (Oo, parang sa pelikula lang). Dito maaaring mag exception sa Bro Code. Pero kung maaaring iwasan, ay iwasan. Dahil naman, marami pang babae riyan sa tabi-tabi.

Papano kung ang palay na ang lumapit sa manok? At gusto ko ring tumuka?

Eh kung gustong magpatuka at gusto mo ring tumuka, eh maaaring sabihin mo sa Bro mo ang sitwasyon. Dahil kung magka Bro nga talaga kayo, maiintindihan niya ang sitwasyon. Kapag di mo naman sinabi at feeling mo eh wala na siya sa mga balak mo gawin at "Past is Past.", eh di sige, tuka ka lang. Basta tantyahin mo kung ayos nga lang ba talaga sa Bro mo ang ganung tukaan.


Eh ang labo mo pala eh. May personal na kwento ka ba?

Mayroon. Di ko alam kung ilang beses na. Joke. Pero may ikkwento ako, atin-atin lang, siketo ito. Nangyari ito nung hayskul. Di na ako magbabanggit ng mga pangalan para peace pa rin kaming lahat. hehe.

Si Boy 1, na aking bro, ay pinopormahan si Girl. Ayos na silang dalawa, at nagkakapalagayan na ng loob sa isat-isa. Kulang na lang ay "OO". Kaibigan ko si Girl, at malapit ako sa dalawa. Isang araw, na minsan ay napapagsisihan ko, nagkausap kami ni Girl, at sa kinadami-dami kong sasabihin at aaminin, ay nabanggit ko na siya rin ay lihim kong gusto, at bilang pag"HONOR" sa BRO Code, ay pinaubaya ko na kay Boy 1 ang pagligaw at ako'y nagbigay na ng daan.

Bakit ko sinabi ito? Bilang pagiging tapat, at kumbaga para ilibing na ng buhay ang pagtingin ko sa kanya dahil nalalapit na ang kanilang "pagsasama".

At sa di ko inaaasahang pagkakataon, ako'y gusto rin pala ni Girl. Ka-shock!

At ang sumunod na nangyari? Di na sinagot ni Girl si Boy1, at nabaling ang atensyon ni Girl sa akin. Inamin ko kay Boy1 ang nangyari, at tila gera ang nangyari sa aming dalawa.

Anong nangyari? Ni isa sa aming mag BRO ang napasagot si Girl. Ayos na kami ni Boy1 hanggang ngayon, pero kakaibang tensyon at drama muna ang mga naganap.

So, ayan ang isang eksena na maaaring mangyari kapag nilabag ang BRO CODE.

Magbabalik muli ang Bro Code. Commercial muna!

Abangan:

MAAARI BANG IAPPLY ANG BRO CODE SA MGA BABAE?

Friday, August 28, 2009

taympers, cheers!

Reactions: 
taympers muna.

timeout muna ako sa dating gawi, tulad ng pagbblog, pakikinig sa music, sa pagfafacebook, dvd marathon, etc.

sandali lang naman.
===================================================

august 27, tuesday.

2 years after Ninoy Aquino was assassinated at the Manila International Airport. President Marcos is sick, rumored to be bed-ridden. The people stayed on their houses, staying vigilant. The soldiers and the Metro police are just waiting outside, sticking to the orders provided.

Everyone patiently waits.

Meanwhile, at the Mary Chiles Hospital, located at Sampaloc, Manila, the delivery room was packed. A mother was sweating hard. Mrs. Dalisay Decena was just pretty exhausted. And relieved. Mr. Freddie Decena is a father, again, for the 5th time.

They were jubilant. It was a healthy baby boy.

Fast forward, 24 years after.

Again, there was jubilation. Freddie is looking down from the heavens. Dalisay, a bit aged, but the happiness is still evident. The baby boy, is very excited. Very happy. To this day, he shares his blessings to friends and family.

There was food, there was booze. Loud music, karaoke singing, loud laughs, exaggerated stories, cheerful smiles, a day of celebration with everything in it.

An average guy, having the day of his life.

Haberdey, baby boy!

Wednesday, August 26, 2009

di ako marunong tumula, bow.

Reactions: 
ang iyong nakakaakit na mga titig

mga haplos na gumuguhit sa isipan

sadyang di mawari, ika'y bukambibig

sana'y maulit na ika'y masulyapan


sa pinagpatung patong na pagkakatala

di mawari ang nasimulang natapos

pilit pinagtakpan ang mga paghilom na lumala

sa animo’y mga sugat, mga luha'y umaagos



nililingon ang landas na malayong tinatahak

ang pinagmulang pilit na nilisan

ngunit sa bawat araw-araw na sa diwa ay humahatak

di na mahanap ang sarili ay kung nasaan.



sa bawat gabi na tila pinaglamayan

dinadalangin na sana’y huwag mawalay

kabila ng pagkupkop sa kamalayan

simula ngayo’y tila tapos na ang aking buhay.



at babalik na sa aking maybahay.



"Oh Tukso, Halika Rito"







Tuesday, August 25, 2009

recycling is good

6 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

walang kinalaman ito sa recycling.

well, meron pala. hehe. nagrecycle ako ng blogpost mula sa multiply ko.

namiss ko na kasi ang dialogues sa psych ward, so eto at nagbabalik.

wala akong bagong kwento dahil graveyard shift ako, at masasarap ang mga tulog nila.

Peyborit ko rin itong post na ito kasi astigin ang mga character!

tsaka na mental block ako eh. bakit ba!

hehe. rakenrowl!


=============================

Voices?


Doctor: may mga naririnig ka bang mga boses?


Male Hippie: umm,,meron po. kayo po.


**onga naman doc!

=============================================================

THE MERALCO OWNER


reagan: anung nangyari sayo at naihatid ka dito sa ospital?

male smiley patient: sinapak ko kasi yung guard eh.

reagan: anung dahilan at sinapak mo yung guard

male smiley patient: eh kasi ayaw akong papasukin sa apartment eh. tinulak nya ako, kaya sinapak ko na siya.
reagan: anung nangyari pagkatapos?

male smiley patient: ayun, dinala na nila ako dito. amin kasi yung buong apartment na yun eh. nakalagay kasi sa bill ng meralco yung pangalan namin. pati nga meralco sa min yun eh. me pangalan kasi namin sa meralco bill. di ba?


reagan: ahhh..teka, balik tayo dun sa guard...

===================================================================

ME, MYSELF, AND I


Restrained Nanay: HAHAHAHAHHAHA! Sige! Matigas! (indiscernible mumbling) (parang R-18 ata to)

Reagan: Mam, ok lang po ba sila?

Restrained Nanay: BWAHAHAHAHA! Ano na?! (gigil)

Reagan: Mam... (kaway-kaway)

Restrained Nanay: Oh? (natauhan ata, baka nabitin)

Reagan: Tumatawa po kayong mag-isa at parang may kinakausap. May naririnig po ba kayong mga boses?

Restrained Nanay: wala naman po. .....Kausap ko lang sarili ko. (nakakalokong ngisi)

Reagan: Ah, okey. Kasi po mag-isa lang kayo sa kwarto. Wag na lang po sila maingay at masalita ng mag-isa po.
Restrained Nanay: Opo. Iihi ako.
Reagan: Sige lang po. Naka diaper po kayo. Pag tapos na, papalitan na lang po.

Restrained Nanay: Teka, parang me lumabas. Me lumabas atang bata...(serious face pa)
Reagan: (puzzled) Ano pong ibig nilang sabihin?

Restrained Nanay: Ay..baka mens lang yun.

Reagan: May naririnig po ba kayong mga boses ngayon?
Restrained Nanay: Meron. (nakakalokong ngiti)
=====================================================================

THE COMEBACKING LOLO THUNDER

Lolo Thunder: P******* nyong lahat! Who put me here in this place! I will sue you, Gdemmet! (nagwawala sa isolation room)

Reagan: Sir, wag po silang maing..
Lolo Thunder: Ah P**** na ka! Sino ka bang tarantado kang ******* ka! Pweh!Pweh! (rapid fire spits at 40 m/ph)

Reagan: (umiilagilag) Sir, kumalma ka muna, babalik ako pag ready ka na kausapin (sabay tingin kung tinamaan ang uniform, wala naman, whew)

*****binalikan

Nurse Aide: Sir, ready na pagkaen, eto oh.....

Lolo Thunder: AHHH Bullshet Gdemmet, P****** ka! I will not eat , I will sue you!!!

Nurse aide: (akmang tatalikod na) Ah, sige, ayaw mo pa kumaen....

Lolo Thunder: Ahhh Bullshet Gdemmet, P***** ka! I will eat now! Im hungry, tarantado ka!



Monday, August 24, 2009

thoughtpic: sexytime!

Reactions: 
Nung isang araw ay nagkasiyahan, nagkainuman, at nagkantahan para sa bertdey ng katoto kong si Paul Andreo Cahilig, isang magiting na nilalang, at future kapitan ng barko aka Popeye.
At dahil isa siyang macho at makisig na nilalang, kami'y nag-ala Tony Montana sa Scarface, at nagpunta ng Havana. Hindi sa Cuba, pero sa Visayas Ave.
Astigin dun. Mura na, happy pa.

Shots pa lang, sexy na.

Shot time is Sexytime

Sunday, August 23, 2009

ODK, layuan mo ako.

15 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
bakit ako mahilig mag PLURK at mag TWITTER? di lang sa "micro-blogging", kung saan quick, short, and sweet ang maaaring mong maipost. bukod din sa maraming friends.
Dahil marami akong natututunan sa aking pagtambay sa plurk at sa twitter.

At sa plurk ko unang nakita (o sa twitter?), na ang katumbas ng OMG (Oh My Gosh! at hindi Oh My Girl!) sa tagalog ay ODK, o Oh D'yos Ko!

ODK!

(bagay sa buwan ng wika no?)

=====================

so, eto, napa ODK na lang ako nung isang araw.

Pauwi ako, nakasakay sa jeep, sa harapan kung saan mag isa ako sa passenger seat, at maluwag pa ang loob ng sasakyan. Nakikinig sa MP3 ng cellphone ko, pampawala ng antok para di makatulog sa byahe.

6:40 A.M., galing ako ng ospital, night shift duty.

Pagdating ng welcome rotonda, kinabahan na ako.

May pumapara.

Lalake.

Mukhang holdaper. Pero hinde eh. Mas nakakatakot pa nga ata.

Macho, malalaki massel. Naka sandong puti. Tight jeans. At may kulay ang buhok.

ODK!


At sa di kaswertehang pagkakataon (unfortunately), umupo siya sa harapan, maski pang isahan lang yun, at tumabi sa akin.

Ok lang sana eh. Di ako galit, o takot talaga sa mga juding.

Pero, ang badtrip dun, nahuli ko siyang nakatingin sa sapatos ko.

Sige, ok lang kako, baka trip nya lang sapatos ko.

Pero, nahuli ko pa siya, nakatitig sa tuhod ko!

taena sya kung trip niya pantalon ko!

Napatingin ako sa kanya ng medyo inis, umiwas siya ng tingin palabas.

Maya-maya, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa mukha ko!

shet talaga! gusto ko sumigaw ng "ANONG PROBLEMA MO HA?!" Pero isang bigwasan lang sa akin nun eh tatalsik ang panga ko panigurado.

INIS na INIS ako, pero wala ako magagawa dahil antok na rin ako at di trip masaktan ang katawan sa jombagan.

Ang ganti ko?

Habang kinig sa mp3, kumakanta ako kunwari, pero ang lipsynch ko ay "taenamo, taenamo, taenamo.." twing titingin siya.

At napapatingin siya sa malayo pag ganun.

AT kapag titingin siya sa tuhod ko ulit, naka "dirty finger" sign ako sa tuhod ko para di niya nakawin pantalon ko.

Pero, di siya tumigil talaga. Ang ginawa ko, tinanggal ko ang earphones ko, at naglipsynch pa rin ako ng "taenamo, taenamo, taenamo.."

At nung bumaba na siya sa may pantranco (SA WAKAS!), ay nakahinga ako ng maluwag na maluwag.

At ang punchline na banat?

NAgsalita si manong driver. Ang sabi:

"Bading ata yun eh. Ang sama makatingin,tsk."

sabi ko na lang:

"onga ho eh. gusto ko na sikuhin, kaso umaandar tayo."

Hindi ako nagagalit dahil sa siya ay bading o badaf. Pero ayoko talaga yung mga taong makatitig eh parang perstaym nakakita na tao sa mundo. Sarap tusukin ng mata!

ODK layuan mo ako!

Saturday, August 22, 2009

Friday, August 21, 2009

manic about Ninoy

Reactions: 
**Ninoy is now on my Bipolar List**


I am manic about Ninoy.
He made me ecstatic. He made me obsessed and proud to be Pinoy.
Filipinos got the "Yellow Fever", and it isn't going away too soon.
I am Ninoy.
You are Ninoy.
We are Ninoy.



Today, 26 years after Benigno “Ninoy” Aquino Jr. was assassinated, Filipinos are honoring him for showing that the Filipinos are worth dying for.
We will continue for their fight.
And prove to them world that Filipinos are worth living for.
Ninoy made every Filipino proud of himself.


**photo source



Thursday, August 20, 2009

zombie is goood

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
sa padi's point sa sm north edsa, sa taas ng sky garden, napagtripan ng tropa na itry yun.
pero, tumawag muna ako sa kanila, dahil sunday night yun, so baka nga naman maaga sila magsasara.

tawag ako:

ako: sir, till what time po sila open mamayang gabi?
padi's boy: umm..ser..24 hours po kami open.


ETO NA YUNG TANGANG QUESTION KO FOR THE DAY


ako: ahh...so, open pa kayo hanggang mamayang 3 0 4 am no?
padi's boy: ahh..opo ser.


ako: ahh talaga? ok. tapos, may mga bands kayo later?
padi's boy: meron po ser. 2 bands po, salitan tugtog nila.
ako: ah ok, astig. sige tenkyu!

so, ayun na! wasak!

Monday, August 17, 2009

the worm is bad(in a good way)

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

Finally. Got a hand on one of my most wanted book, Dennis Rodman's "Bad As I Wanna Be". Where did I get it? From my bro's shelf. Yup, he had it all these years. argh. But, better late than never.

Dennis who?

Dennis Rodman, is an NBA player, played for teams Detroit Pistons, San Antonio Spurs, and alongside with Michael Jordan in Chicago Bulls. (He also played briefly for L.A. Lakers and Dallas Mavericks before retiring.)

He is known to be a rebound monster, a tough defensive player, a guy who doesn't want to score, but he's mostly famous for all the dyed hair, tattoos, piercings, devil-may-care attitude, and his off-court antics. And yeah, he cross-dress, and he doesn't give a damn to anybody. And yes, Madonna, the Queen of Pop, did fell for him. And Ms. Carmen Electra.

He talked about life, race, his tough road to success from a janitor to a player, his triumphs, his failures in life and love, his thoughts on the game, and everything not allowed fo kids to read.

The "Worm" is one of the most underrated players in the NBA ever. And probably one of the most entertaining misunderstood geniuses of the game of basketball.

Sunday, August 16, 2009

ang buhay, parang traffic

Reactions: 

kahapon, may isa na naman akong ka gung-gungang pangyayari sa buhay.
kampante akong nagising ng maaga (oo maaga na ang 8am sa akin bilang nars), at ginawa ang usual na routine sa umaga. chillax pa ako, at dahil 2 pm pa ang pasok ko, prente lang ako sa bahay habang nagssurf sa internet.

biglang tumawag ang kasama ko sa ward, si trina. actually, misscall. tapos nagtext siya.

naisip ko, eh pasado 10 am pa lang, so ano kaya yun?

"papasok ka ba?" ang text niya.

nagulat ako at kala ko ay nagtitrip lang siya. pero pagtingin ko sa calendar event sked ko sa phone ko, SHET! Taena! 10 am- 6 pm pala pasok ko! naknampusa talaga! shet!

literal na tumatakbo ako pabalik balik sa loob ng bahay habang nagtext na oo hahabol ako pagpasok, at lito ang nanay ko habang nagteleport ako sa pagligo, pagbihis, pagayos ng gamit in less than 5 minutes. kasama na roon ang pagtakbo palabas ng bahay.

sakto may dumaang taxi, YES! kahit wala na akong pera eh sakto pang taxi at kahit papano, medyo mababawasan ang late ko. 10:40am na nun. dali dali na lang ako nagdasal at nagwish na walang trapik.

OMG, good luck. SABADO NG TANGHALIANG RUSH HOUR. at ang date pa kahapon ay Aug.15, na sa malamang ay karamiha'y araw ng sweldo nung biyernes. bwiset!

nakalimutan ko ang TRAFFIC. mali pala, HEAVY TRAFFIC.
Nasa maynila nga pala ako, sa quezon city, na babaybayin ang EDSA, Quezon Ave, at Espana, na mga HEAVY TRAFFIC roads almost 24/7. at nasa UST hospital pa nga pala ang trabaho ko.


naknang!

goodluck sa goodluck.

in fairness, magaling at maabilidad si manong drayber sa reroute at pagkabig sa mga trak na walanghya.
pero pag traffic talaga kalaban, wala ka magagawa.

parang layp lang, dapat puno ka ng pagpaplano, at knowledge sa pupuntahan mo, at mga tatahaking mga daan.
bawat pagliko ay parang desisyon, na dapat mong gawin sa tamang oras, sa tamang panahon. at dapat mong painindigan, dahil kadalasan, wala nang balikan.

kahit anong gawin natin, laging may trapik na nagpapabagal sa pagusad natin sa buhay, pero kahit anu pa man, makakarating pa rin tayo sa destinasyon. iba iba lang ang ating mga pinangggalingan, mga dinadaanan, mga sasakyan, pero pare pareho tayong nais makarating sa mga nais nating puntahan.

bawat pagbyahe, may risk ng aksidente, dapat lagi tayong magingat at laging isipin ang importansya ng buhay.

tulad din ng buhay ang traffic dahil maraming mga asungot sa daan. mga kups na mga driver, mga kotong boys sa paligid, mga samut-saring distractions tulad ng mga seksing billboard. pero di sila mahalaga. mga sideshow at mag palamuti lang sila.

dapat, maintain focus. at syempre, kahit anong bullshit at anong joke ang ibato sa tin ng buhay/traffic, dapat matuto pa rin tayong magenjoy, at maghope pa rin sa best.


so, balik tayo sa kwento ko no? anung nangyari? edi kahit inis na ako, eh wala eh, pinanindigan ko nalang, at kinig na lang ako sa mp3 habang nasa taxi. nakarating ako, 11:30 am na. absent na ako dapat.

pero pinayagan ako ni boss na magpalit ng shift to 2pm-10pm na pasok, kesa absent.

kaya, sabi ko, swerte parin ako kay Lord!

at isa pang pahabol na lesson,
kung late ka na, wag ka na magmadali, late ka na nga eh. ^_^



*traffic pic here

Friday, August 14, 2009

thoughtpic: jolly beep!

Reactions: 

jollibee
not a singing bee
but a very jolly bee

bee hungry
bee tasty
bee yummy

bee happy!

hmmm

2 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
suddenly, i thought up of something.

ill be doing the "bipolar list"

it's like a hate/love list of anything under the sun (and beyond it).

bipolar, or manic-depressive state will be used loosely here.

the manic list will be anything that is restless, exciting, happy, uncontrollable, hyper, or anything positive!

while the depression list will be anything that is sad, withdrawn, suicidal, or anything that is negative!

So there, i'll be coming up with the initial list, and polls will be placed in the comment form below.

so, send me in your thoughts and suggestions!

let's go Bipolar! wuhoo!

Thursday, August 13, 2009

WANTED:Mr.Justice?

16 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

nagbabalik muli ang "dialogues sa psych ward!"

medyo napatagal ang series na ito,dahil konti ang pasyente ng ward for the past few weeks. which is good, dahil konti lang ang nadadiagnose na may mental problem. kaya guys, io encourage you, patingin na kayo agad, wag na mahiya, okey?

anyhu, so ibig sabihin nga nun, eh medyo konti lang ang napupulot kong kwento at story. di masyadong kakaiba kumbaga. Siguro, sanay na ako sa mga kwento ng iba. Tipong nadepress, na stress, di makatulog, nagwawala. All same banana to me. Petiks lang kumbaga sa akin.


Pero meron isang story na medyo naapektuhan ako. nope, di ako yung involved. Di rin naman ako natouch. Pero, sensitibo yung issue.

sakto pa dahil last few days ay laging pinapalabas ang "WANTED" na movie sa HBO, na pinagbibidahan nila James McAvoy at Angelina Jolie. Kaya, naalala ko ulit ang story neto.


"Mr. Justice?"

reigun: kamusta po sila ser?
Mr. J: ok lang naman, nakakainip dito. Di ko nga alam bakit ako nandito eh.
reigun: sa tingin nyo po ba di kayo dapat nandito?
Mr.J: oo. wala naman akong ginagawang masama e.
reigun: Pero, ano po yung mga huling nangyari bago kayo naipunta dito?
Mr.J: wala naman. Pero kasi may napatay ako eh.
reigun: Napatay? Anong ibig nyong sabihin?
Mr. J: May pinatay akong adik sa amin. Walang kwentang tao yun. Pero ok lang. Pinatawad na ako ni Lord.
reigun: Anu po dahilan bakit nyo napatay?
Mr.J: Eh walang ginawa yun kundi manggulo. Walang ginawang mabuti. Tapos nung araw naman na andun ako sa bahay, pinagbabato nya bahay namin, di naman namen siya inaano.
reigun: Ano po nagtulak sa inyo at napatay niyo siya?
Mr.J: eh pagkatapos ata nila mag-inom nun, pinagtripan yung kapatid ko. Tatagain dapat ng itak. Tinira ko na sa likod. Binaril ko.
reigun: Pero pano po yun, may pananagutan ho kayo sa batas nyan.
Mr.J: Wala. Wala namang magrereklamo. Mas mabuti pa sa lahat na wala na yun. Alam ni Lord yun.
reigun: ano po ginawa niyo pagkatapos?
Mr.J: mag-isa lang muna ako. Tahimik. Sa bahay lang. Tapos nalaman ko na lang andito na ako.
reigun: meron ho ba kayong pinagsisisihan?
Mr. J: wala.


Dyan ko muna puputulin yung kwento. Nagflashback yan nga dahil napanuod ko ulit yung "WANTED".

Sabi ng character ni Angelina, "Kill one, save a thousand", or something to that effect.

Naisip ko, oo, mali ang kanyang ginawa. Mali ang kanyang pag-iisip. Hindi tama na ilagay natin ang batas sa ating mga kamay. Pero, kung iisipin mong "Kill one, save a thousand", mas matimbang ba yung kaayusan nung 1000 na yun, kesa sa nagiisang tinik sa lalamunan ng lahat? Sa mata ni Lord, mali talaga.

Pero kung sakali mang ang presidente ng isang bansa ay tirahin ng isang sniper, anu kayang mangyayari?

Oo, ipapahuli ang pumatay. Ang mastermind. Pero, magluluksa ba ang bayan? O magsasaya? Ipapahuli ba ang mga taong magbubunyi dito?

Sometimes, movies can really elicit one's mind to make one wish for its reality.



**pic from movies.about.com

Tuesday, August 11, 2009

tatakbo ba si erap?!

Reactions: 
2010.
malayo pa. Pero di maiiwasang pagusapan. Makita mo ba naman sa tv araw araw ang mga nagbabalak na tumakbo. May nagpepedicab na nakipagchikahan sa palengke. May mayaman na tutulong daw sa mahihirap. May mayor na nagsasabing kaya niya kamutin ang ating mga kati. May nagsabing sa trabaho niya sa trapiko sa maynila ay sapat para maging pangulo.
Iba't ibang pakulo.
Ang iba naman, pasimple. Dinadaan sa endorsements, sa mga commercials. Epektibo nga naman. Lusot pa sa comelec.

Pero ang tanong ng lahat, si Erap kaya tatakbo pa?



Tingin ko, oo! XD

thoughtpic: jeepney na malupit

4 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
Isang gabi, nakasakay ako sa jeep. At biglang naalala ang kanta ng Spongecola na "Jeepney":

Bumaba ako sa jeepney
Kung saan tayo'y dating magkatabi
Magkahalik ang pisngi nating dalawa
Nating dalawa

Panyo mo sa aking bulsa
O ang amoy mo'y naroon pa rin
Tawa nati'y humahalay
sa init nating dalawa

Subalit ngayo'y wala na
Ikaw ay lumayo na (lumayo na)

Di ko alam kung ano ang amoy ng panyo ng naamoy nung kumakanta. O kung pano ang mahalay na tawa.

Pero tingin ko, alam ko kung bakit siya bumaba ng jeepney, at tuluyan nang napalayo silang dalawa sa isa't isa.



Mukhang napababa siya ng Martial Law Dictator na Jeepney Driver dahil di siya nagbayad. Tapos siguro nagsindi pa siya ng yosi. wawa naman.

Monday, August 10, 2009

GMA< when will this stop?!

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
it is REALLY fuckin tiring isnt it?

Ohkay, let's do this fast, for this news is really really insane, and the people involved are really really annoying.

The BELOVED Philippine President GMA, who was on a recent trip to US to meet Pres. Obama, together with her massive entourage, had dinner at a restaurant.


What's the big fuss? Everybody eats at a resto, right?
WOW! The BELOVED GMA!

Well, not everybody eats at a NY resto, Le Cirque, known for a place for celebrities to hang out, and have a $20,000 bill for a dinner.

Yes, roughly 1 Million Pesos in cold cash.

So, the people went nuts, and had a distaste for that infamous dinner.

So, what do the Malacanang spin doctors tell us this time?

from inquirer.net

“Not a single centavo of taxpayers’ money was spent for that dinner,” an angry Press Secretary Cerge Remonde. He insisted that the dinner was a “simple” one and was hosted by Leyte Rep. Martin Romualdez.

“What we had in New York was a simple, late night dinner because it was already late at night when we arrived there from Washington DC and, of course, we were all hungry,” Remonde said.

He said the Malacañang group occupied only two tables and ordered a “set” meal consisting of soup, salad, a main course, drinks and coffee or tea.

“There was no truth to the report that many different types of champagne and fancy food items were ordered,” he said.



Okay! We don't need to panic people! It's not our money! It was from the pocket of a very rich Congressman, from a poor region! And, what's relieving is, IT'S JUST A SIMPLE DINNER!

Hurray!

FCKIT!!! So that's simple?! 1 million pesos is simple?! Then how much you guys spend for a fckin party huh?! 10 million?! How bout a celebration?! 20 million?!

For a head of state of a 3rd world country, you must try to set an example. So maybe GMA was relieved when Romualdez told her:"It's on me, don't worry."?

Jeez! Even Pres. Obama knew how to eat at a McDo joint! Is choosing a cheaper resto that difficult?!

Or is someone trying to impress a boss? And for what then?

THESE PEOPLE!

“Even if it is not public money, it is very imprudent,” said Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chair of the Permanent Committee on Public Affairs of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Evangelist Bro. Eddie Villanueva said in a statement: “Granting that she did not spend for the dinner, as claimed by Malacañang, Ms Arroyo should have been sensitive enough to think about the hungry Filipinos back in the country that she supposedly leads.”


Oh, and the punchline?! Of course, there's a freakin punchline in everything.

Leon Guerrero, Sen. Lito Lapid is part of the group. Why? Because he was not able to have a photo-op with Pres. Obama, thats why he needs to make himself happy!

But was he happy at the resto's services?
from inquirer.net

Sen. Santiago said she learned that Lapid had told protocol officers that he did not enjoy the dinner.

“Sabi niya, grabe naman itong restaurant na eto, katagal tagal dumating ng order (He said this restaurant is terrible, the orders take so long),” Santiago said.

According to her, Lapid pointed out to protocol officers that it took time to serve the meals because the waiters would change plates and silverware with every course.

“That’s why he did not like the French restaurant,” she said.



See GMA! Even Leon Guerrero isn't pleased!!!

Oh Beloved Pres. GMA, Tita Cory will be very very praying for your soul really.

*photo from here

Saturday, August 8, 2009

Oops, Willie did it again!

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
Ok, so the Late Great Pres. Cory is now high in the heavens watching over us.

So, news would be all about her normally, right? Well, that seems to be wrong.
Because, Oops, Willie did it again.

I think everybody had heard of the incident where it seems that Willie showed his attitude on cam and showing his rant and complained of showing Cory's remains being transferred from LSGH to Manila Cathedral while doing the show Wowowee. He complained that he is "affected" on seeing the videos while doing the show.

Here's a transcription of that video:

"Kung ganyan, pakita na lang natin 'yan. Kasi nagsasaya kami dito, tapos... Masakit sa akin 'yan, e. Nagsasalita ako dito... 'yan, please. Sana maintindihan n'yo. Nagsasaya kami dito, papakita n'yo sa amin yun ang... di ba? Hindi tama, e. Okey? Hindi ba?"

"Pangit! Hindi ho maganda sa atin. Nagsasalita, ipinapakita yung kabaong ni Tita Cory, hindi ba? Papano kami makapagsasaya, nahihirapan kami? I'm sorry ho, ha. Pero ako, totoo ako, e. 'Wag n'yo akong pagagalitan, kasi totoo ang gusto kong malaman...

"Pagkatapos ng show, ipakita n'yo ang gusto n'yong palabas. Kasi itong Wowowee, gusto ko... Hindi ba, at alam din ni Tita Cory 'yan dahil napasaya rin siya ng show na ito na laging masaya dito, ok?"


And so, people everywhere reacted. Mostly negatives. And the rest, profanities..

And what does Willie do best? Apologize. With a sad puppy face. Again.

Here's a video compilation:



So, what do you think?

I personally think Willie must try to learn the words Etiquette, Respect, Responsibility, and humility.
If he was really super duper sincere and really affected, then don't do the show!
He said it was his RESPONSIBILITY to make the people happy.
Really now?
A news update inserted on the screen while doing the show won't make the people soooo sad, cause if that's bound to happen, then they won't watch the show in the first place!

Willie may have a point. He just made himself "nagpapakatotoo lang". He showed his true attitude. Cmon Willie, where's the class?

if you think willie should be ousted/punished/kicked in the gut, here's a good link:
peitition to oust willie

Share your thoughts on this guys.

thoughtpic: masarap ba ang hotdog?

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

"Pare, parang mainit ngayon no?"

isang magandang umaga at isang masarap na agahan ang bumungad sa akin.
hotdog.
mamula-mula. matataba. at juicy.
ang sarap-sarap.
lalo na kapartner ng fried rice. "ohhlala. sizzling hot" sa sarap, ika nga ni hayden.

kaya habang kumakaen, ay naisip ko ito.

para ito sa aking mga katropa at kablog na mga barako

puyat. pagod. di makatulog
ang sa loob loob ay tila kumakabog
takot. kaba. di mapakali
ang umaga sana ay di dumating

saan magtatago, saan maghahanap
ng lakas at tapang na di marating
di makayanan, di makahinga
ayoko na yatang mabuhay pa

sa gabing ito, di ko matanto
kung bakit pa kailangan ng ganito
ngunit para sa mga minamahal ay gagawin ko
lalo na sa mga kalaro, nang di matukso


"Tuli"




**litrato ay napulot kung saan at kung kanino sa Plurk.

Thursday, August 6, 2009

wet wet wet!

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 
*buti na lang at di bumuhos ang bagyong "Kiko" at mag gatecrash sa People's Funeral for Pres. Cory. Yun na ata ang pinakamalupit na death funeral na napanuod ko sa lifetime ko. RIP Cory. rak on!
=========================
wet ka na ba? lately ba lagi kang wet? maski gabi man, o paggising pa lang sa umaga? Aba, problema yan. Solusyunan mo na ng maaga. Dahil kapag pinatagal mo yan, sakit sa ulo nyan. Hindi okey maging wet 24/7 ha. Kung ako sa'yo, ipapatingin ko na yan. Dahil ang lahat ng sobra ay masama.

Kaya, magpaggawa na kayo ng bubong! XD
==========================
tag-ulan.

malamig. malakas na ulan. mahangin.

ilan lang yan sa mga maitatawag mong mga deskripsyon tuwing magdidilim ang langit at babagsak na ang mabibigat ng ulan.

sakit. bagyo. baha.

yan naman ang ilan sa mga magiging epekto pag lumakas ang pag-ulan.

"buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan..", yan ang isa sa mga popular na kanta ng eraserheads na pumapasok sa utak ko pag umulan na...

siguro salitan lang sila ng APO hit na "pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay.."

Eh, ayon, bago pa tayo magkakantahan at lalong lumakasa ang ulan, eh, mabalik na nga tayo sa ulan. (labo no?)

Minsan, masarap ang ulan. LAlo na pag mainit, pag tuyo ang lupa at kapag gusto mo ng libreng shower. (o gusto mo lang magkasakit.)

Pag umuulan talaga, maraming mga "memories" ang naiisip ko, mula pa nung maliit ako, hanggang sa netong pagtanda (at paglaking pogi netong huli, hekhek).

Nung maliit pa ako, ayoko ng ulan.
Dahil istorbo ito sa paglalaro namin ng mga kaibigan ko sa labas ng bahay. Di kami makapaghabulan, di kami makapag"strolling", di kami makapag-trumpo, o makapag-bike.

Kaya pag nasa bahay ako, nag-chachant ako.

AS in kumakanta ako ng
"rain, rain, go away. Come again another day. Little children wants to play."
As in paulit-ulit na parang nasa loop. Non-stop. Titigil lang ako pag tumigil na ang ulan. Pag tumigil, edi epektib ang chant ko. Pag hindi tumigil, e siguro nakatulog na ako nun o kaya eh kakain na.

Pero di nagtagal, ay lumaganap na ang alternatibong saya para sa panahon ng tag-ulan.

Di na namin kelangang magpawis sa labas sa paglalaro at laging magdadasal para umaraw at magchant
ng paulit-ulit hanggang tumigil ang ulan.

Dahil mayroon nang kompyuter games. (pero sa mga kaibigan ko lang ako nakikilaro.)
Malupit na noon ang SEGA. (Kids, think of 90's PSP, XBOX 360, Ps...) Eniwei..

Ang bespren Donald ko ang isa sa mga naunang magkaroon sa min ng ganun, kaya no problemo kami maski pa bumagyo eh enjoy na kami sa loob ng kwarto habang naglalaro ng Mario o kaya ng Mortal Kombat.

At, kaya dahil dyan sa evolution na yan, eh wala na akong pake maski pa umulan.
(well di naman talaga sa walang pake.)

actually, nung medyo tumagal-tagal na ako sa elemntary, mas tutok na ako sa weather news mula noon.
Mas tutok ako kay Ernie Baron sa gabi kung may paparating na bagyo.

At kapag malakas ang ulan sa gabi, gigising ako ng maaga para alamin sa nanay ko kung sinabi ba sa radyo kung may pasok o wala.

At madalas sa inaaasahan ko, ay may pasok pa rin.

Pero ang sarap ng pakiramdam kapag walang pasok.
"YEHEEEEY!" talaga ang pakiramdam.

sabay tulog at magkumot sa kama buong umaga...aaah..

check ko ulit kung may pasok ako mamaya sa trabaho....

(ipagpapatuloy....hibernate mode muna...zzzz...)
+end of part 1+

============================
pansamantala, di ko alam kung pano nangyari, o kung anu man, pero masaya akong ichismis na nominee daw ang blog na ito sa philippine blog awards. kakaloka! ewan kung anu pa ang mga susunod na detalye, kaya makibalita na rin ako sa mga susunod na araw. Ayun lang naman, salamats!


Monday, August 3, 2009

rewind:ang araw na di ko maexplain

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

still preoccupied with the mood of mourning of Pres. Cory...suddenly I remembered my Lola Bebang. So, I revisited my multiply blog when I was about to attend her funeral..here's a look back. I thought, you'd do anything for people you love. and I mean, ANYTHING.*

original post here

october 21, 2007. Sunday. 4:30 am.

nagising ako ng maaga. uuwi ako ng probinsiya (alabat,quezon). Dahil noong October 18, ay namatay ang isa sa mga lola namen. Hindi siya ang nanay ng mommy ko, pero siya na rin ang nagpalaki sa kanya, at pati na rin samin. Nakakalungkot pero masaya narin kami dahil natapos na ang paghihirap niya at nasa Heaven siya for sure. Namana ko rin ang pagpapatawa at paginom sa kanya. At dahil eto na ang huling araw ng burol, pati na rin ang misa at libing. Kailangan kong umuwi at sumunod sa kuya ko at sa nanay ko.

5:00 am. dumating ako sa bus station sa cubao, sa grand star, 5.30 pa raw ang alis. sige lang. mag isa akong babyahe for the second time pauwi doon.

6:30 am. DITO NAGSIMULA ANG KALBARYO KO.

nasa bungad pa lang ako ng Laguna ng biglang nagpahiwatig ang tiyan ko. MASAMA. MAY GALIT. GIGIL. Najejebs na ako. At hindi ito ang pakiramdam ko ng tamang jebs.

MASAMA TALAGA.

Super pigil ako at MIND OVER MATTER talaga ang ginawa ko. Ginawa ko lahat ng pagpipigil. naghihintay ng stop over at super prayers talaga ang ginawa ko ke Lord.

7.00 am. Medyo kumalma naman ang tiyan ko. Pero pigil parin. Putlang putla na talaga ako, at malayo pa kame sa stopover sa me Lucena. Malayo pa. Naiimagine ko ung mga pelikula na me biglang sisigaw ng "PARAAA!" sa bus para lang mag answer ng call of nature. ayoko ng eksena. Bukod dun, e bayad na ako ng 200 sa bus na bababa ako sa atimonan. malayo pa.

8:30 ANAK NG PUUUUU!!!!!!!!!!!! talagang lahat ng pamimilimipit ay ginawa ko. at di ako makatulog dahil baka mabigla ang reflex ko pag nagising ako. nagdadasal ako na sana ay walang maxadong malubak. hindi na nga aircon at hilong hilo na ako. Pero, sumuko na ako. Lumapit ako sa konduktor, at sinabi kong baba na ako.

Konduktor: "di ba sa Atimonan ka pa? TIAONG pa lang to eh, malayo pa ah"

Ako: "baba na po ako."

Konduktor: "o sige, sakay ka ulet ng byaheng Calauag ha"

SABAY HANAP AKO NG RESTORAN, NG GAS STATION, O KAHIT ANONG BAHAY NA PWEDENG PAGLABASAN NG SAMA NG LOOB!!!

AAH! me nakita akong shell station. Bulok siya. pumunta ako sa cr nila, putsa, naka alambre at nakalock!!!! nagpunta ako sa gas boy, at tinuro ako sa me opis nila at dun daw me cr na me bayad ng 2 pesos.

BOOOMMM....sumabog na. (me tubig naman at me tissue ako so mabubuhay ako)

pagkatpos, sakay ako ulit ng bus. wala na ang rambol sa tyan ko...

9:15 am nasa lucena grand terminal station na ako, ang stopover. putek, 1 oras kame tumigil doon at kumaen pa ang diver at konduktor!!! waah!

11 am. Dumating na ako sa Atimonan port. Malas, kakaalis lang ng RORO. at bangka lang ang magagamit. tapos, 1 pm pa daw ang byahe sabi ng coast guard. waah!!

12:15 pm ANAK NG PUUUUUUUUUUUUU!!! ulet!!! NAGRAMBOL NA NAMAN ANG TYAN KO!!! PUMUNTA AKO NG CR, sarado ang cubicle!!! Sinilip ko ang kabila, CR na ng babae, pero me tubig! Di ko na talaga mapigilan, pumasok na ako!

HOLY SHEEET TALAGA!!!

Habang nasa loob ako, kala ko lusot na ako sa kamalasan ng biglang me pumasok na babae at nagtoothbrush. ANAK NG EWAN, baket kasi di ko nalock ung pinto eh! baka sabihin pa eh manyak ako o nainilip!!! Nagpatagal ako at hinintay na lumabas siya para di masyadong dyahe. PUCHA<>

WALA na akong nagawa kundi lumabas, at nagulat sila na me lalakeng lumabas sa cr ng babae at nagtawanan pa sila.

EH SA WALANG TUBIG SA MEN's ROOM EH! sa loob loob ko at pumunta na ako sa bangka.

1:30 pm. di pa umaalis ang bangka. PUCHA, nadelay daw sabing coast guard. DAIG KO PA ANG NASA ROLLER COASTER SA SUPER ALON. WORSE<>

2:15 pm. nakarating rin ako sa alabat island, sakto sa misa at sumunod ang libing.

6:00pm sabi ng mga tao eh baka walang byahe ng bagka pabalik. waaah! rumenta kami para makauwi dahil me training ako sa IV therapy sa hospital at di ako pwede magmintis.

Nakaraos naman at nakauwi ako ng 11pm sa bahay, gutom na gutom, at pagod na pagod.

at buti di na nagrambol tyan ko.

Ang araw na di ko maexplain.



Saturday, August 1, 2009

thank you

0 rants/raves (aka comments)
Reactions: 

she lived a full life.
a nation was born.
strength. courage. faith.
freedom.
thank you.

never gave up on what ninoy billed as "a nation worth dying for."
the least that we can do is that they won't regret for what they've done.

a wife.
a mother.
a president.
an icon.
a hero.
A true Filipino.

the suffering is over, but heroes do not die.

Live long Cory.







ShareMO!

Bookmark and Share